VP Leni Robredo wishes Kris Aquino good luck on her interview with President Duterte

IMAGE Instagram (@krisaquino)/RTVM (Pres. Duterte)

Kris Aquino posts her exchange of text messages with VP Leni Robredo, after the latter wished the Queen of All Media good luck for her interview with President Rodrigo Duterte this Friday afternoon. 


Nag-text si Vice President Leni Robredo kay Kris Aquino upang magsabi ng “good luck” sa gagawing one-on-one interview ng Queen of All Media kay President Rodrigo Duterte ngayong Biyernes ng hapon, November 11.

Read: Kris Aquino gearing up for interview with President Rodrigo Duterte

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account ang palitan nila ng mensahe ni Robredo ngayong umaga.

Sa screen grab ng nasabing palitan ng text messages, si Robredo ang unang nag-text kay Kris para sa pagkikita nila ni Duterte.

Text ng Pangalawang Pangulo: “Hi Kris. Leni here. Good luck with your interview tomorrow. Everyone I know is excitedly waiting to watch it.”

Sagot naman ni Kris: “Sweet of you to text me. Will do my very best to exceed expectations.”

Pangalawang text message ni Robredo sa TV host-actress: "I have great faith you will. Love and prayers from the 4 of us."

Ang tinutukoy ni Robredo ay sila ng kanyang tatlong anak na babae.

Sa caption ng nasabing post, sinabi ni Kris na na-touch siya sa mensahe ng Vice President.

Her good wishes touched my heart. Thank you VP @lenirobredo ????????

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

Samantala, tumulak na patungong Davao City si Kris, base na rin sa Instagram posts ng mga kasama ng actress-host gaya ni Quezon City Councilor Precious Hipolito.

????

A photo posted by Precious Hipolito (@precioushipolito) on

Matatandaang pinag-usapan ang naging komento ni Pangulong Duterte tungkol kay Robredo sa talumpati niya sa anibersaryo ng Yolanda typhoon sa Tacloban City kamakailan.

Si Robredo ay mula sa ilalim ng LP (Liberal Party), na siya ring partido ni dating Pangulong Benigno Aquino II, kapatid ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN