Yeng Constantino postpones baby plans in favor of dream project next year

IMAGE Mark Atienza

Yeng Constantino says she's still young at the age of 27, and told husband Yan Asuncion that their plan to have a baby has to be delayed in favor of her dream project coming next year.


Ayon kay Yeng Constantino, postponed ang trip nila ng husband niya na si Yan Asuncion sa New Zealand next month.

“Iniba ko po yung plano, e. Pero hindi naman siya nagtampo.

“Tinanong ko sa kanya, ‘Okey lang ba, Love,’ kasi parang kasi gusto niyang mag-hiking.

“Natakot ako. Parang yung banyo, san ka pu-poo-poo doon? Parang inisip ko na lang hindi ko 'ata kaya pumu-poo sa jungle. Sorry, ha-ha-ha!

“Sa pagbanyo parang sensitive lang ako. Na parang sige, okey lang sa akin yung day hike pero babalik sa hotel. Kasi siya yung nature person talaga, e.

“Noong binata pa ‘yan talagang umaakyat siya ng bundok at kung saan-san pang bundok.

“So, sabi ko sa kanya, ‘Okey lang ba na mag-safari tayo? Mag-Africa na lang tayo?’

“Nature pa rin naman yun pero naka-Rover tayo. Tapos makakakita pa tayo ng lions.”

Ano ang reaction ng mister niya?

“Nung sinabi ko yung concerns ko sa kanya sabi niya, ‘Ah, sige. Maybe we could try that next time.’ Pero hindi pa rin yun naalis sa list. Parang gagawin pa rin namin yun.

“He likes animals. Kasi parehong kaming vegan ‘di ba? Okey naman siya. Two weeks kami sa Africa.”

Sa Africa na kaya mabubuo ang first baby nila?

“Made in Africa? Ha-ha-ha!

“Hindi, hindi. Ano, may project pa po kasi next year.

“So, may narinig po ako na bagong gagawin.

“So, sinabi ko sa asawa ko, ‘Love, meron 'ata kaming gagawin. Plano ng mga boss na ganito. So, okey lang ba kung ma-delay muna?’

“Sabi niya, ‘Ikaw, okey lang ba sa ‘yo yun? Siyempre, you’re not getting any younger?’"

Ilang taon na ba si Yeng?

“Twenty-seven, bata pa. Pero in three years 30 na ako. So, sabi niya kung okey lang daw sa akin. E, okey sa akin ‘to. Gusto ko ‘to, e. Pangarap ko na matagal na ang career ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHARING EXPENSES. Given na mas malaki ang kita ni Yeng kesa sa asawa niya, paano ang hatian nila sa gastos sa bahay?

“Both, kasi siya, ang background ni Yan ay fulltime musical director sa church namin and one of the lead vocalists, worship leader siya.

“Nag-a-album po ang Victory [church]. Malaki po ang network ng Victory, ‘di ba?

“Passion niya po talaga ang music. Pero nung kinasal kami, he knew or he wants, sa puso niya talaga is also to support me. Kasi, ganito po talaga ang reality.

“But still sa part niya, gusto pa rin niyang gumawa ng mga way to support me. Gusto niyang mag-business.”

Paano niya sini-save ang income niya?

“Joint account po kami, everything. Share-an kami.

“Tapos may account kami for travel. Nag-iipon kami pang-travel.”

Ano ang business nila?

“Yung bar namin sa Katipunan?

“Binenta na po namin. Vegan na po kasi kami. We don’t eat meat anymore.

“Ang gusto po sana namin kung magkakaroon kami ng restaurant, vegan din.

“Ngayon ano kami, nagpi-flip kami ng mga...yung mga townhouse?

“Hindi siya build and sell. We buy it from the banks. Yung mga nareremata, parang ganoon. Luma yun kapag bibilhin namin sa bangko. Tapos ire-refurnish namin parang ganoon. Tapos pini-place namin. Tapos binibenta namin.”

Ano pangalan ng company nila?

“Wala, kami lang. Yung mga tita niya ang gumagawa.”

Nakailang benta sila?

“Ah, ngayon, sa panimula namin, isa pa lanng kami. Pero yung rental namin...siguro mga nasa eight.

“Eight na yung townhouse na pinapa-rent namin. May dalawang condo.

“Si Yan ang nagma-manage kasi siya magaling talaga siya sa finances,” diin pa ni Yeng.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN