Arjo Atayde reveals budding romance with newbie Kapamilya actress

IMAGE Glen Sibonga

Arjo Atayde cites the endearing traits of his 'special girl,' who's supposedly a newbie Kapamilya actress: "Simple siya, sobrang simple, mabait. Like any other guy would look for in a girl, traits for a girl, mabait, simple, easy to get along with and nakikipagbiruan."


Aminado ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde na may babaeng nagbibigay ng inspirasyon at ngiti sa kanya ngayon matapos ang tatlong taon na wala siyang girlfriend.

Nalantad ang tungkol dito nang tanungin namin siya kung bukas ba siya sa pagkakaroon ng panibagong love life at kung nakikipag-date ba siya ngayon sa kabila ng kanyang busy schedule sa kanyang showbiz career.

“Yeah, of course.

“Kung gusto mo talaga, may paraan, 'di ba? Wala namang palusot.

“I’m seeing someone.

“I don’t wanna say dating, but it’s hard to explain because it’s more of a getting-to-know stage for now.

“So, getting-to-know, we’re friends,” sabi ni Arjo.

Is she from showbiz?

“Yeah, she’s new.”

Mula ba sa ABS-CBN si Girl?

Lahad niya, “Yeah, but I don’t wanna mention first any name.

“But yes, she’s from ABS. She’s new and we’re friends, we’re getting to know each other as far as I’m concerned.

“I don’t want to put the dating status first because we’re texting, hanging out once in a while, so yun.

“And I find time, I find time as much as I can. For now kasi busy talaga with the schedule, taping and everything.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Arjo sa VIP launch ng kanyang Axe Park, na bahagi ng Axe Black Concept Store campaign ng naturang male fragrance brand na ineendorso ni Arjo.

Ginanap ang launch kagabi, Nobyembre 11, sa Unit 27 Apartment Bar + Caf, 26th Street corner 7th Street, Icon Plaza, Bonifacio Global City, Taguig.

Bubuksan naman sa publiko ang Axe Park ngayong Nobyembre 12-13 (11:00 am-6:00 pm) sa naturang venue.

TAKING IT TO THE NEXT LEVEL? Ang sinasabi niya bang busy schedule sa career niya ang dahilan kung bakit hindi niya pa madala sa next level ang relasyon niya kay Girl?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw niya, “No, e. It’s not the time, e.

“It’s more of when I get to know someone… would you like to get to know the person through text or in person, 'di ba?

“Yeah, nagkakaano rin sa oras, but it shouldn’t be a reason as I said a while ago, 'di ba? Kung gusto mo talaga.

“But obviously, pag taping the whole day, paano ako aalis, 'di ba?

“So, for now slowly but surely. That’s what I have to say.”

Suportado rin naman daw niya ang umuusbong na showbiz career ni Girl?

Ani Arjo, “Whatever happens… kung maging kami or hindi, I wouldn’t bother whatever she wants for her career, 'di ba?

“Work is work. I’m just here to support her.”

Bakit gusto muna niyang isikreto ang pangalan ng girl?

Rason niya, “Baka maudlot, e. Baka ma-jinx po, e.

“Obviously, kahit papaano, I want to keep a bit of privacy between the two of us.”

Ano ang qualities na nagustuhan niya kay Girl?

Paglalarawan niya, “Simple siya, sobrang simple, mabait.

“Like any other guy would look for in a girl, traits for a girl, mabait, simple, easy to get along with and nakikipagbiruan.”

Sabi niya 'getting-to-know' stage sila ni girl. Tinatanong na ba niya kung ano ang mga hilig at paborito nito?

Paglinaw ni Arjo, “Getting to know, practically talking and knowing her more, knowing her on a personal level more than asking what her favorites are.

“Talking lang to see if we get along. So, yun lang for now and I’m happy.”

Kapag lumalabas ba sila ni Girl ay silang dalawa lang? Saan sila madalas pumunta?

Pag-amin niya, “Of course, kaming dalawa lang.

“Mahilig kasi akong kumain, e.

“I like trying out restaurants that I haven’t been to.

“Iba-iba, like if we go out today it’s one resto, if we go out the next day, it’s another one.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanood na ba sila ng sine na magkasama?

Aniya, “We did na, we watched a movie once.

“Pero normally dinner, e.”

Hindi naman nakapunta si Girl sa launching ng Axe Black Concept Store ni Arjo dahil busy raw ito sa rehearsals ng kinabibilangang show.

GIRL MET HIS FAMILY. Hindi pa raw nadadala ni Arjo sa bahay nila si Girl. Pero nakilala na ba ni Girl ang family niya lalo na ang kanyang mommy na si Sylvia Sanchez, na incidentally ay present sa Axe Black Concept Store launch?

Sabi pa niya, “Yeah, yung mom ko.

“Nung birthday ko, she was there. I personally invited her.

“She said yes naman, so I’m happy.”

Anong comment ng Mommy Sylvia niya?

“Okey naman siya. Sabi niya lang, ‘Just don’t lose focus. Work is work.’”

Masaya nga si Arjo dahil na-welcome ng family niya si Girl.

Pagmamalaki niya, “My family is very welcoming naman.

“To all the people who know my family, they’re very welcoming naman to anyone.

“Of course, I introduced to them this girl who’s actually respectful and family-oriented, yung traits that you wanna see sa isang babae.”

Taga-saan ba si Girl?

Tugon niya, “She’s from Zamboanga.

“Siguro kaya okey din sila ni Mommy kasi Bisaya siya e.”

BLESSED. Samantala, bukod sa bagong inspirasyon, masaya rin si Arjo dahil sa maraming blessings sa kanyang career.

Kaya naman itinuturing niyang magandang birthday gift ang mga ito sa kanyang kaarawan last November 5.

Pagpapasalamat niya, “Very blessed kasi obviously from Ang Probinsyano to Hammerhead, and then Cathy Valencia came in, then I have Suit It Up Manila.

“Tapos, I have pa Axe Black Concept Store, then OTJ [series].

“So, all the things are happening at the same time, so I’m very blessed, I’m very thankful, of course, I’m very happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol saan ba ang Axe Black Concept Store campaign na kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan?

“We’re three people. They gave us a concept store, and I’m the last one to do it.

“Ang ibinigay sa akin is athleisure, that’s the concept of my store.

“So, athleisure, sa word palang athlete, they got it from siguro my Instagram, they saw me doing sports.

“Yun nga, no matter what I do kasi, kahit may taping everyday, isinisingit ko pa rin sa schedule ko to be able to play football.

“So, it’s actually a perfect concept for me.

“Tapos, yung items and products that we’re selling are all related to sports, like towels, waterjugs, caps, bomber jackets and more.

“Today kasi is the VIP night and it’s also the launching night, and then on November 12 to 13, from 11am to 6pm, we’ll be opening it to the public,” detalye niyang kuwento.

They’ll be able to purchase the items upstairs, to look around and see what they want. So, check it out here sa Unit 27 Apartment Bar + Caf sa Icon Plaza, Bonifacio Global City.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN