John Lapus still likes Dennis Trillo: "Hanggang bumalik ako sa ABS-CBN, type ko pa rin si Dennis."

IMAGE Noel Orsal

John Lapus on his gaydar: "Ngayon, parang ang mga bakla, nag-evolve… nagpa-flop ang radar ko. Akala ko bakla, hindi pala!"


Kahit nakabalik na sa ABS-CBN si John ‘Sweet’ Lapus, hindi pa rin nawawala ang paghanga niya sa Kapuso actor na si Dennis Trillo.

Ayon kay John, “Bago ako mag-GMA-7, type ko na si Dennis.

“Nag-GMA-7 ako, type ko pa rin si Dennis.

“Hanggang bumalik ako sa ABS-CBN, type ko pa rin si Dennis.”

Masaya raw si John na magkaibigan na sila ngayon ni Dennis.

“May number kami ng isa’t isa. Pag nagti-text ako, sumasagot siya,” banggit pa niya.

Ikinuwento ni John na nung nakasama niya si Dennis sa dating primetime series ng Kapuso network na Adik Sa ‘Yo (2009) ay hindi siya nito kinakausap for two weeks, kahit pa magkasama sila sa iisang tent.

“Hanggang minsan nakasalubong ko si Popoy [Caritativo, Dennis’s manager]. Sabi ko sa kanya, ‘Poy, yung anak mo hindi ako kinakausap.’

“Feeling ko, si Popoy kinausap si Dennis. Kasi nung next taping namin, nakipag-converse na siya finally!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa presscon ng pelikulang Working Beks, na ginanap kahapon, November 13, sa Viva office, Madrinian St., Quezon City

GAY RADAR. Co-star ni John sa Working Beks si Prince Stefan.

Kamakailan ay umamin si Prince na isa siyang homosexual.

Hindi na raw nagulat si John sa rebelasyon na yun ni Prince dahil noon pa raw ay alam niya nang miyembro ng ikatlong lahi ang StarStruck alumnus.

Sabi niya, “Dyusko, alam ko naman ‘yan! Naaamoy, nararamdaman.

“Siguro kapag bakla ka, automatic mayroon kang third eye sa kapwa mo bakla.

“Sabi ko nga, nung ininterview ako ng PEP before, hindi na ako nagulat na...

“Pero ngayon, parang ang mga bakla, nag-evolve… nagpa-flop ang radar ko.

“Akala ko bakla, hindi pala!”

Kaya raw tawang-tawa siya sa pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?, na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros, at Anne Curtis.

Saad ni John, “Kasi may ganun akong nakitang lalaki na ang tawag metrosexual. Akala ko bakla, pero hindi pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nagsasabi minsan yung… bakla sa bakla…

“Tayo rin yung prejudice, e, yung porke’t bakla ka, feeling mo bakla na rin yun.

“May ganun, e. So, hindi mo rin masabi ngayon.

“Pero ako, at the end of the day, hihintayin ko na lang silang umamin.

“Kasi, parang feeling ko, yung mga baklang tago naman, malungkot ang buhay niyan, sigurado.

“Ako nga, out na ako, malungkot pa ang buhay. What more pa yung mga ‘yan?

“Ako, puwede akong manlalaki anytime na gustuhin ko dahil alam naman ng lahat na bakla ako, paano yung mga ‘yan?”

Ayon pa kay John, yung ibang mga aktor na tagong-bakla na kilala niya ay sa ibang bansa na lang nagpupunta para manlalaki.

“Nakakaawa naman ang mga ‘yan, ang gastos!

“Mabibisto kasi sila kapag dito sila nanlalaki, di ba?” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN