Pregnant Melai Contiveros hospitalized; asks for prayers

IMAGE Instagram (@mrandmrsfrancisco) Facebook (MELASON)

Melai Cantiveros was hospitalized this weekedn and asked for prayers from her folowers. However, the comedienne assured that she is fine. 


Hiniling ni Melai Cantiveros sa kanyang supporters na ipagdasal siya at ang kanyang dinadala matapos niyang maospital nitong weekend.

Nag-post si Melai sa Instagram ng larawan ng kanyang hospital wristband na nagtataglay ng kanyang pangalan.

Ngunit hindi niya sinabi kung ano ang dahilan kung bakit siya naospital.

Sa caption, sabi ng comedienne-TV host: "Prayer is the best weapon in all battles. Hi mga Momshies, Popshies, Anakshies :) Need nmin ni Baby Future (baby sa tiyan ko) ng prayers nyu :) Don't worry mga momshies kaya naman kaya lang pray pa. Salamat in advance po :) Godbless us always."

Inanunsiyo ni Melai ang kanyang pagdadalantao sa ikalawang anak nila ng mister niyang si Jason Francisco noong September 30 episode ng morning talk show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

Apat na buwan na ngayong buntis si Melai.

Read: Melason together again; Melai expecting second child with Jason


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN