Sharon Cuneta tells bashers: "Do one good deed a day kahit trolls kayo."

IMAGE Facebook photo of Sharon Cuneta

Following her rant about the slow Internet connection in the Philippines, Sharon Cuneta said in another Facebook post: "I am sure the President [Rodrigo Duterte] is doing what he promised about having the country's wi-fi improved."


Hindi naiwasan ni Sharon Cuneta na saguting muli ang mga komento sa nakaraang post niya tungkol sa mabagal na Internet connection dito sa Pilipinas.

“Wow! Some comments on my last post about how slow Wi-Fi is in this country are funny or from those who are incredibly...uninformed or misinformed,” sabi ni Sharon sa kanyang Facebook post ngayong Lunes, November 14.

Matatandaang kahapon, November 13, nagpahayag ng kanyang pagkadismaya ang tinaguriang Megastar ng Philippine showbiz tungkol sa isyung ito.

Aniya, “I cannot believe (or take) how super SLOW wi-fi still is in the Philippines.

“How can I expect my country to progress a little faster if it doesn't even have the very basics necessary in this new techie world we move in? So beyond frustrating.”

Read: Sharon Cuneta rants about slow Internet connection in the Philippines

Dahil dito, may ilang netizens ang nagbigay ng negatibong komento at ipinasa ang sisi sa asawa ni Sharon, ang returning senator na si Francis “Kiko” Pangilinan.

Sabi ng isang netizen: “Your hubby is a lawmaker, why not pass a bill for urgent changes or [he] just sit his butt as well together with the other LP.”

Bukod sa pagiging senador, si Kiko rin ang hinirang na acting president ng Liberal Party.

Tugon ni Sharon sa ganitong comment: “Here's a little explanation for those who have no idea what they are wrongly complaining about.”

Una, ipinaliwanag niya ang dami ng ratio ng cellular sites sa bansa sa dami ng populasyon sa Pilipinas.

“There are 104 million Pinoys and we have, from both TelCos (a 'duopoly,' sadly, in our country) a mere 15,000 cell sites, as compared to, say, Malaysia which has a population of about 29 million AND 25,000 CELL SITES, talagang kulelat at kawawa naman tayo.”

Ang tinutukoy ni Sharon na telecommunications companies na internet service providers ay ang Globe at Smart, na subsidiary ng PLDT.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ay ipinaliwanag niya ang maaaring gawin ng mga pulitiko, lalo na ng legislators, sa isyung ito.

“Now, what the President and legislators and other politicians can do in our country to attempt to fix this wi-fi problem is to perhaps try to PUSH the TelCos to invest more in their infrastructure (build more cellsites) and improve their services.

“I dunno what they are thinking but if I were a businessman with almost no competition at dalawa lang kami, baka tamarin na akong gumastos pa sa pagpapagawa ng dagdag na cellsites.

“If there were more TelCo players, kahit 2 or 3 more, that would allow for greater competition and subsequently, better services for us Filipinos.”

Para naman sa mga tumitira kay Sharon at sa asawa niyang si Senator Kiko, narito ang sagot ng Kapamilya star:

“Alangan naman sabihin ng Pangulo o kahit asawa ko at ibang Senador: 'Telcos, magdagdag kayo ng cellsites o ipapakulong namin kayo!' Or 'Pengeng 1 billion pesos, kasi gusto lang namin!' It doesn't work that way.”

Dagdag paglilinaw pa ni Sharon, “As for all other public servants, kung ano lang po ang kaya at nasa batas na gawin, yun lang ang magagawa nila. Public servants po sila, hindi sila si Lord o mga 'genie-in-a-bottle.'”

Gayunman, umaasa si Sharon na magiging maayos ang problema tungkol sa Internet connection ng bansa.

“I am sure the President is doing what he promised about having the country's wi-fi improved,” aniya.

I DO NOT SEEK TO MAKE ENEMIES.” Samantala, sa huling bahagi ng kanyang Facebook post, ipinaalala ni Sharon na nais niyang maging “happy page” ang kanyang fan page.

“I do not seek to make enemies. Pero may mag bagay na minsan kailangan linawin.

“Name-calling is so childish and says more about the troll than it does me, so I am not bothered by that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Busy ako being productive,” sabi ni Megastar.

Paalala pa niya sa mga nananadyang manglait o tinatawag na 'Internet trolls' na matutong rumespeto sa opinyon ng iba.

“Suggestion: Do one good deed a day kahit trolls kayo.

“Kung puede naman magrequest, respect begets respect and I am always respectful unless am provoked into rudeness, which is not on the surface of my character.

“So sana, kasi wala namang masama sa pag-disagree, pero magrespetuhan tayo.

“There are ways of disagreeing without being rude.

“Unless of course iba ang agenda talaga ng pagiging trolls ninyo eh alam na namin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN