JC de Vera neither confirms nor denies he is in a relationship

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera is fixed on avoiding showbiz relationship, saying, "Mas pinipili ko lang talaga na dun ako sa walang gulo at walang ingay?" Is he happy with his choice? "Steady lang… tuluy-tuloy lang ang buhay," he says without confirming he is in a relationship.


Magkasama sina JC de Vera at Jessy Mendiola sa Sunday gag show ng Kapamilya network na Banana Sundae.

Nagkasama rin sila sa dating teleserye ng ABS-CBN na You’re My Home bilang magkapareha, kaya may mga nag-isip noon na baka maging sila.

Pero bukas na ngayon sa publiko ang relasyon ni Jessy sa TV host-actor na si Luis Manzano.

Hindi ba niligawan ni JC si Jessy noon?

Ayon sa Kapamilya actor, “Hindi, hindi ko siya niligawan, magkaibigan lang talaga kami.

“Hindi naman sa hindi ko siya bet, alam naman natin na isa siya sa mga worth habulin.

“Pero mas pinipili ko lang talaga na dun ako sa walang gulo at walang ingay ba.

“Kasi ang daming nagkakagulo riyan sa industriya, di ba?”

Sa pagkakaalaman namin ay may love life si JC ngayon.

“Important ba yun?” mabilis na pakli naman niya.

Hindi importante sa kanya ang relationship?

Paglilinaw niya, “Well, hindi sa akin important na gawin siyang public.

“Pero hindi ibig sabihin na kinu-confirm ko na meron.

“Hindi ko rin kino-confirm na may dine-date ako at hindi ko rin kino-confirm na meron akong kinikita.”

Kahit na may mga sighting sa kanya na may kasama siyang girl?

“Well, siyempre hindi mawawala yung kinikita, normal yun, lalaki ako.”

Malihim yata siya ngayon?

Sagot niya, “Hindi ako malihim, pero nirerespeto ko lang yung privacy ng mga hindi kasama sa industriya ko.”

Masaya ang puso niya ngayon?

“Steady lang ako, tuluy-tuloy lang ang buhay,” tugon ni JC.

Talaga bang no-go sa kanya ang showbiz relationship?

“Magulo, e, pinaghihiwalay... nakikita rin naman natin sa industriya, ang daming naghihiwalay.”

So, definitely not ang showbiz girlfriend?

“Well, hindi ko masabi, pero wala talaga sa ngayon, walang showbiz.”

NOTHING LIKE IT. Tungkol naman sa kanyang career, hangad daw ni JC na makagawa ng ibang genre bukod sa drama.

Isa raw iyon sa mga dahilan kung bakit nagustuhan niya nang ipasok siya sa Banana Sundae.

At ngayon nga, enjoy raw siya dahil “nakahanap ako ng family sa kanila… never akong nagkaroon ng bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni JC, “Kung hindi sa Banana Sundae, hindi rin ako magkakaroon ng confidence.

“Never akong nagkaroon ng show na katulad ng Banana Sundae.

“Kahit anong gawin mo, may sumusuporta sa ‘yo na, ‘Uy, ang ganda ng ginawa mo.’”

Dugtong pa niya, “Solid” daw ang friendship nila, “as in, ramdam mo ang care at support nila for each other.

“Ramdam na ramdam mo yung pagiging kaibigan nila talaga sa ‘yo.”

Isa sa mga bagong miyembro si JC ng Banana Sundae na magdiriwang ng ika-walong taong anibersaryo sa Kia Theater sa Huwebes, November 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN