Jak Roberto happy about 'Abs ng Bayan' tag

IMAGE Noel Orsal

Jak Roberto does not mind getting a lot of attention because of his six-pack abs: "Okay lang 'yon, habang hot pa yung pandesal."


Aminado si Jak Roberto na dahil sa kanyang abs ay mas dumami ang trabaho niya ngayon.

Nagsimulang mapansin ang six-pack abs ng Kapuso hunk nang ipakita niya ito sa pelikula nila ni Barbie Forteza na Laut.

Pagkatapos daw nito ay nabigyan na siya ng pagkakataong magkaroon ng guest appearance sa iba't ibang Kapuso shows; katulad ng Sunday Pinasaya at Bubble Gang, kung saan kabilang na siya ngayon sa mga mainstay.

Bahagi rin siya ng weekly comedy anthology na Dear Uge.

Blessing in disguise po talaga.

Hindi ko in-expect na maa-appreciate po nila yung abs, na gusto po nila ng abs.

Dati naman po meron, pero hindi nila napapansin!” natatawang sabi ni Jak nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng 21st anniversary ng Bubble Gang, na tinawag nilang “21 Gang Salute,” kahapon, November 14.

Sa katunayan, nang ipakilala siya sa presscon, sabay-sabay na humiyaw ang mga kasamahan niya ng “Abs ng Bayan.”

Sanay na raw si Jak sa ganitong biro sa kanya.

Okay naman po. Hindi naman po ako nao-offend.

Masaya naman po ako na may nakaka-appreciate ng pagwu-workout ko, paghihirap natin sa gym!” natatawang sabi ng kapatid ng Encantadia actress na si Sanya Lopez.

Wala rin daw problema kay Jak kung madalas ay kinakailangan niyang mag-topless sa mga programang nilalabasan niya.

Nakangiti niyang sambit, “Sabi nga po nila, when you have it, flaunt it.

Dahil po doon, nabibigyan naman po ako ng work.

Trabaho po 'yon, aktor naman ako, so okay lang.”

Halos ganito rin daw ang pakiramdam ng 22-year-old Kapuso hunk kahit mas nauunang mapansin ang abs niya kaysa sa kanyang talento.

Sa akin naman po, darating naman po talaga ang time na mapapakita ko ang talent ko,” aniya.

Umaasa raw si Jak na susunod niyang proyekto sa 2017, mapansin naman ng mga manonood ang talento niya sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga po, may surprise this coming year. Feeling ko po mababali po roon sa pagta-topless.

Pero wala naman po akong problem doon.

Masaya po na naa-appreciate nila ang abs bilang mahirap din po ang mag-workout, mag-maintain.”

Sa huli, sabi ni Jak, mas mabuti na ngayon dahil tuluy-tuloy ang trabaho.

Biro pa niya sa huli, “Okay lang 'yon, habang hot pa yung pandesal!”

When boredom strikes #jujuonthatbeatchallenge ?????

A video posted by Jak Roberto (@jakroberto) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN