Billy Crawford clarifies reported incident in Hong Kong: "Hindi po ako nakulong."

IMAGE Nerisa Almo

Billy Crawford on report that he was imprisoned in Hong Kong recently: "Kahit pumunta kayo ng Hong Kong, magtanong kung may record ako dun, wala akong record dun."


“It was taken out of context, hindi po ako nakulong.”

Ito ang paglilinaw ng Kapamilya TV host-actor na si Billy Crawford sa report na nakulong diumano siya habang nagbabakasyon sa Hong Kong kamakailan.

Ayon sa ulat na lumabas sa Pilipino Star Ngayon noong November 7, magdamag daw na nakulong si Billy sa Hong Kong matapos nitong protektahan umano ang kanyang girlfriend na si Coleen Garcia mula sa pambabastos.

Imposible naman daw ito, ayon kay Billy, dahil, “Kung nakulong ako, hindi ako makakabalik sa Pilipinas, to be honest with you.

“In all cases, I'd be deported to the United States.”

Gayunman, pag-amin ng It's Showtime host “May nangyari, may kaguluhan na nangyari dahil nabastos si Coleen.

“It was a verbal altercation between someone there and me.

“Good thing, yung medyo shunga na nambastos kay Coleen ay ginawa niya sa harapan ng pulis, so nakita ng mga pulis.”

Ito marahil ang dahilan kung bakit namataan ang magkasintahan sa isang presinto sa Hong Kong.

Ayon pa kay Billy, “The thing about Hong Kong police, they're very, very strict.

“Kahit yung pinakamaliit, magsigawan kayo sa street, puwede kang makuwestiyon, at puwede kang i-hold for a statement.

“Dun lumaki talaga ang respeto ko sa authority ng Hong Kong.

“Kasi, they had to hold us — ako, si Coleen, si Renz na kasama ko — and the other party, they had to hold them, too, para malaman nila kung ano yung kaso, ano yung mangyayari.

“So, I had to explain to them, Coleen had to explain to them.

"So, na-detain kami nang kaunti, pero hindi kami nakulong.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa press conference ng bago niyang show na The Ultimate Brocation ngayong Martes, November 15. Ang naturang reality show ay ipalalabas sa cable channel na KIX simula December 14.

EXAGGERATED REPORT. Ayon kay Billy, ang ulat tungkol sa insidenteng ito ay exaggerated lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Alam mo naman dito, yung exag na reaction na sinasabi.

“They assume things before they actually know...

“This is the first time I'm actually asked about it, e.

“I've never made any comments or any statements about it.

“Tinitingnan ko lang kung [ano] masasabi ng mga tao.

“For me, I had to protect Coleen.

“You know what I'm saying? Kababaeng tao, ayaw ko namang mabastos siya, di ba?”

Gayunman, inulit ng It's Showtime at Pinoy Boyband Superstar host, “Hindi ako nakipag-away, hindi ako nanuntok, hindi ako nasuntok, walang gulo.

“As in, masuwerte na lang kami that the police were there and sila yung nag-handle ng situation, which was the proper way of doing it.

“If it's done in another country, you have to abide and respect the rules of that country, so we were just complying.”

Nakangiting sabi pa ni Billy, “Kahit pumunta kayo ng Hong Kong, magtanong kung may record ako dun, wala akong record dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN