Enchong Dee prefers not to fall in love with a fellow Kapamilya

IMAGE Noel Orsal

Will there be a second chance for Enchong Dee and Sam Lewis? Enchong answered, "Wala na, malayo na siya at saka parang what's done is done."


"No, wala."

Ito ang sagot ni Enchong Dee nang tanungin kung mayroon siyang girlfriend ngayon.

Nais daw ng Kapamilya actor na mag-focus muna sa kanyang sarili at career, lalo't ipagdiriwang na niya ang kanyang ika-10 taon sa showbiz.

Paliwanag pa niya, "I really have to focus on my own, kasi may mga bagay akong nakalimutan, na-set aside, while I have my love life."

Posible bang ma-in love si Enchong sa kanyang kapwa Kapamilya stars; kabilang na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao lalo't malapit siya sa dalawang aktres?

Tugon niya, "Katulad nung sinabi ko na I look at this work, with ABS-CBN in particular, na isa siyang school, isa siyang university, na kapag pumasok ka sa school, ang focus mo is pag-aaral.

"Hindi naman talaga para maghanap ng girlfriend, di ba? Hindi naman para makipag-love life.

"Siyempre, hindi mo maiiwasan kasi kayo-kayo yung nagkikita.

"Pero mas hindi ko matanggap na may mga tao na ayaw ako makatrabaho dahil may history kami."

Na-experience na ba niya ang bagay na ito?

Sagot ng Star Magic talent, "Hindi, pero meron akong mga kaibigan na ganun yung experience, so ayoko mangyari sa akin yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa launch ng sophomore album niyang EDM, na ginanap sa 9501 Restaurant, sa ABS-CBN compound, Quezon City, ngayong Miyerkules, November 16.

SAM LEWIS. Nitong nakaraang Mayo, kinumpirma ni Enchong sa panayam nito kay Boy Abunda na hiwalay na sila ng dating kasintahang si Sam Lewis matapos ang kanilang two-year relationship.

Marami raw ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay, ngunit hindi na ito ibinahagi pa ng aktor.

Read: Enchong Dee finally admits breakup with Samantha Lewis

Nananatili naman daw ang komunikasyon sa pagitan nila ng ex-girlfriend kahit ilang buwan na silang magkahiwalay.

Binati rin daw siya ni Sam nang i-celebrate ni Enchong ang kanyang 28th birthday sa Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Enchong, "Actually, I was in Pisa [Italy] when I got a message from her.

"She's now in London, tapos binati niya ako [ng happy birthday].

"Nag-send siya ng video tapos nag-send din ako ng video.

"Ang kasama ko nun sina Maja [Salvador], sina Zanjoe [Marudo], ayun."

Thank you for all the Birthday greetings?????????? #EnchongAwesomeTravel ??#Italy ??#EDBday

A photo posted by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

Nang tanungin kung sakaling may posibilidad na magkabalikan, sagot ng Kapamilya star: "Wala na, malayo na siya, at saka parang what's done is done."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN