Miss International 2016 Kylie Verzosa triumphs after her second shot at Binibining Pilipinas

IMAGE Kylie Verzosa Instagram

Kylie Verzosa says she turns to painting and drawing to relieve stress, "It's more sa pag-release ng emotions, ito yung nasa loob ng puso ko."

 


Blessing in disguise para kay Kylie Verzosa na hindi niya nakasungkit ang Miss Universe-Philippines 2016 title sa Binibining Pilipinas pageant noong April.

Marami noon ang nag-akalang kay Kylie mapupunta ang mas mataas na titulo, ngunit ang napanalunan niyang korona ay Bb. Pilipinas-International.

Samantalang si Maxine Medina ang nanalong Miss Universe-Philippines at sasabak sa Miss Universe pageant sa susunod na taon na dito sa Pilipinas gaganapin.

Ngunit may mas malaking korona palang nakalaan para kay Kylie—ang Miss International 2016.

Si Kylie ang ika-anim na Pinay na nanalong Miss International; pagkatapos nina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), at Bea Rose Santiago (2013).

Read: Kylie Verzosa of the Philippines is Miss International 2016!

Ilang linggo mula nang mapanalunan niya ang Miss International title, nakabalik na ng Pilipinas si Kylie.

Kahapon, November 16, ay naging guest siya sa morning program ng GMA Network na Unang Hirit.

Pahayag niya sa kanyang pagkapanalo, “I feel honored… everything happens for a reason.

“Even kung may mga questions ka, God has greater plans for you.”  

Repeater si Kylie sa Binibining Pilipinas na unang sumabak noong 2015 at nakapasok sa Top 15.

Sinorpresa rin si Kylie nang ipakausap sa kanya ang kanyang mga magulang, via phone patch, na ngayon ay nasa Japan.

Kuwento ng ina niyang si Gemma Raquel Fausto-Verzosa, hindi nila pinilit ang anak na pumasok sa beauty pageant.

“Hindi po namin siya pinilit. Nagulat na lang kami noong sinabi niya na she wanted to join the pageant.

"Sinuportahan naman namin siya," sabi ni Mommy Raquel, na sumali rin sa Binibining Pilipinas noong 1985 at naging semifinalist.

Inilarawan din ni Raquel kung anong klaseng anak si Kylie.

“Kylie is such a very good daughter. At bubbly ang personality niya at saka mapagmahal na kapatid at anak.”

Sa usaping love life naman ng anak, sabi ng ina ni Kylie: “As of now, wala po siyang love life. I don’t think she has time for that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maiksing mensahe naman ng ama ni Kylie na si Mr. Ari Verzosa: “Go out in the world and make a difference!”

Misty-eyed si Kylie nang magbigay naman siya ng mensahe sa kanyang mga magulang.

Sabi niya, “Thank you so much for everything. Marami tayong pinagdaanan.

"Maraming salamat sa support ninyo. Hindi lang emotionally, financially as well.

“Hopefully napasaya ko kayo.

“Thank you, Mommy and Daddy, I really love you!”

REPEATER. Panganay si Kylie sa limang magkakapatid.

Sinundan siya ng kapatid na babae at sumunod naman ang kambal na lalaki at bunso na lalaki rin.

Inusisa si Kylie kung may plano rin ba ang nakababatang kapatid niyang babae na pumasok sa beauty contest.

“My sister is very beautiful, but she’s focusing on her job right now and on her studies,” sagot ni Kylie.

Bago sumali sa nasabing pageant, isa siyang volunteer para sa Natasha Goulbourn Foundation na tumutulong sa pag-educate sa mga tao tungkol sa depression and suicide.

Kaya advocacy ni Kylie ang tumulong sa pagbibigay ng kaalaman sa mga taong may mental problem at makahanap ng gamot para rito.

Isa rin siyang pre-school teacher at nakatapos siya ng Bachelor's Degree in Business Management sa Ateneo De Manila University.

DEALING WITH STRESS. Ang paraan daw ni Kylie para makapag-release ng stress sa mga ginagawa niyang trabaho ay ang painting at drawing.

“Nakaka-release po siya ng stress and creativity.

“Mas gusto ko yung may kinokopya ako or may tumutulong sa akin.

“Yung mga ginawa ko naman is for myself lang.

“It’s more sa pag-release ng emotions. Ito yung nasa loob ng puso ko,” sabia niya.

Makikipagtulungan daw ang bagong Miss International sa UNICEF (United Children’s Educational Fund) para sa worldwide charities.

“I will stay here for about a month or two until I fly to Japan and to the other countries I’ll be assigned to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are an ambassador of beauty and peace of the world so we are to promote peace and goodwill, and to promote Japan as well.”

Magkakaroon ng isang engrandeng parade para kay Kylie sa Araneta Center sa Biyernes, November 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN