Jodi Sta. Maria clarifies 'I turned to drugs' statement

IMAGE Instagram photo of Jodi Sta. Maria

Jodi Sta. Maria clarifies she never used illegal drugs during her depression days. "I just said that I turned to drugs but it was anti-anxiety drugs that I turned to during those moments."


Prescription drugs at hindi illegal drugs ang ginamit ni Jodi Sta. Maria noong panahong depressed siya dala ng paghihiwalay nila ng mister niyang si Pampi Lacson.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, nilinaw ng Kapamilya actress ang naging pahayag niya sa The Perfect Love Conference sa Mandaue City, Cebu, noong Oktubre.

"Next time, I have to be specific,” sabi ni Jodi tungkol sa sinabi niya.

Matatandaang sa naturang convention, isinalaysay ng Be Careful With My Heart actress ang pinagdaanan niya.

“Before becoming a workaholic, I became an alcoholic.

“I drank day and night. I even drank during tapings, ang gusto ko kasi masolusyunan yung feeling ko of pain and emptiness.

“When alcohol wasn’t enough, I turned to drugs. I felt empty.

“I pretended to be okay when the truth is hindi naman talaga.

“I was in and out of bad relationships that left me all the more wounded and broken.”

Read: Jodi Sta. Maria clarifies 'I turned to drugs' statement

Hindi tinukoy ni Jodi kung anong klase ng drugs ang nabanggit niya, kaya naman nang maibalita ito, marami raw ang nagbigay ng mensahe sa aktres.

“Kasi people were thinking it was shabu, cocaine.

“I just said that I turned to drugs, but it was anti-anxiety drugs that I turned to during those moments.”

Sa kabila nito, umaasa si Jodi na maging inspirasyon ang istorya niya sa iba pang mga nakararanas ng depression.

Aniya, “Iyong story na pinagdaanan ko sa buhay ko, I'm praying that it brings strength and inspiration and hope to people na dumadaan doon sa pinagdaanan ko.

“And it's really with God's grace na nandidito ako ngayon kung nasan ako sa buhay ko.”

Kahapon, November 17, umalis patungong New York si Jodi para dumalo sa 2016 International emmy Awards. Isa siya sa mga nominado para sa Best Actress para sa pagganap niya bilang Amor Powers sa remake ng Pangako Sa'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN