Gabby Concepcion approves of Aly Borromeo for daughter KC Concepcion

IMAGE Noel Orsal

Gabby Concepcion says Aly Borromeo, the current boyfriend of his daughter KC Concepcion, sounds sincere. And if they ask for his blessing in marriage? Says the veteran actor, "Okey sa akin basta happy sila, go ako, support ako… kahit anong gusto nilang gawin." 


Aprubado raw ni Gabby Concepcion si Aly Borromeo bilang boyfriend ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Paglalarawan ng aktor sa dating Azkals player, “Mabait siya, okey siya…

"Nakita ko rin naman ang sincerity niya kung paano siya makipag-usap.

“At saka yung family nila, taga-San Juan-Mandaluyong, kaya yung parents ko, kilala rin sila.”

Kuwento pa ni Gabby, “Tinawagan niya ako, inaya niya kong lumabas, mag-dinner kami.

“Parang another feather in his cap yun, parang panalo na naman.

“Nagulat ako, e, noong binabayaran ko ang bill, bayad na pala.

"Never kasing nangyari sa akin yun."

Nagsabi na ba sina KC at Aly kung may plano silang pakasal?

Sabi ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako, okey sa akin basta happy sila, go ako, support ako… kahit anong gusto nilang gawin.

“Kung maging single sila for the rest of their lives, okey lang din sa akin.”

Nakausap ng PEP si Gabby noong Huwebes, November 17, sa pictorial ng bago niyang afternoon teleserye sa GMA Network, ang Ika-6 na Utos.

Ayaw namang ikumpara ni Gabby si Aly sa mga dating boyfriends ng anak.

Palagay ba niya ay mas masaya si KC ngayon?

Tugon niya, “Palagi namang happy ‘yan, malalaman ko na lang, wala na rin ang relationship.

“Syempre, wala na rin ako dun, [pero] nanghihinayang ako sa bawat separation, siyempre nandun ang happy moment.

“Eto kasi, nakikita ko na happy siya. Basta ang importante, happy sila.”

Si KC rin daw ang palaging gumagawa ng paraan para magkaayos ang mga miyembro ng pamilya niya.

Sabi nga ni Gabby, “Masuwerte ako sa batang yun.”

Katunayan nga ay si KC ang gumawa ng paraan para sa wakas ay makitang muli ng ama ang anak nito kay Jenny Syquia na si Cloie.

“Ganun siya, talagang ine-embrace niya, family is family,” pagmamalaki pa ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN