Mocha Uson accuses Kiko Pangilinan, other politicians of using Marcos burial to oust Duterte

IMAGE Noel Orsal

Mocha Uson hits politicians for allegedly using the Marcos burial issue for their personal gain, and cites Sen. Kiko Pangilinan as an example.


Nag-react si Mocha Uson, blogger at avid supporter ni President Rodrigo Duterte, hinggil sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, nitong Biyernes, November 18.

Dahil palihim na ginawa ang paglilibing sa dating diktador, maraming anti-Marcos ang nagalit at kinondenda ang pangyayaring ito.

Mayroon ding mga pulitiko at artista ang nakiisa sa pagkondena sa palihim at biglaang paglilibing sa dating pangulo.

Kaugnay nito, nag-trend ang hashtag na #MarcosIsNotAHero sa social media nitong Biyernes.

Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines kahapon, tinanong si Mocha tungkol sa hashtag na ito.

Pahayag niya, “Sino po ba kasi ang nagsabi na hero siya?

"Ang alam ko po, inilibing siya dun sa Libingan ng mga Bayani dahil, ayon sa batas, siya ay naging sundalo.

“Sino ba 'tong nagpapaingay na hero si Marcos?”

Sabi pa niya, hindi lahat ng pro-Duterte ay pro-Marcos din.

“May kanya-kanya pa rin pong opinyon ang mga pro-Duterte.

“May mga pro-Duterte na hindi naman sang-ayon sa opinyon ko.

“Ang puno't dulo lang naman po nito ay sino ba ang nagsasabing hero si Marcos?”

Ang patutsada ni Mocha ay patukoy sa mga pulitiko na aniya'y sumasakay sa isyu upang patalsikin umano sa puwesto si Pangulong Duterte.

“Ang problema kasi, may mga senador diyan na pinu-provoke yung mga tao, tulad ni Senator Kiko Pangilinan.”

Kinuwestiyon ni Mocha ang intensyon ni Sen. Pangilinan na naging vocal sa kanyang pagkadismaya sa pagpayag ni Pangulong Duterte na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Natanong din si Mocha sa kanyang opinyon kung bakit patago raw inilibing si Marcos.

Tugon niya, “Di ko po masasagot 'yan.

"Ang masasabi ko po, nakikiramay ako sa mga naging biktima po ng martial law at may mga kaibigan po ako na mga militante."

Sinabi raw ng kanyang kaibigang militante na hindi porke't nailibing na si Marcos ay kakalimutan na ang mga nangyari noong martial law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mocha, “Kalayaan po natin na magprotesta sa kalsada.

"Kaya lang po, mag-ingat lang po tayo dun sa mga nakikisawsaw sa mga rally na 'to.

“Yung ginagamit ang pagkakataon na ito yung oportunista na mga pulitiko para isulong ang sarili nilang interes.”

Bukod kay Sen. Pangilinan, ang iba pang mga pulitiko na kumondena sa sikretong paglibing kay Marcos ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Bam Aquino.

Ang tatlong nabanggit ay pawang mga taga-Liberal Party o kapartido ni dating Pangulong Benigno 'PNoy' Aquino III.

Read: VP Leni Robredo, politicians denounce burial of Marcos ahead of judicial process

Babala pa ni Mocha, “Mag-ingat lang po tayo na gamitin ito na pagkakataon, dahil yung mga nakikita po natin diyan, karamihan diyan ay parehong grupo who called for the ouster of Duterte.

"At huwag nilang gagawin yun dahil lalaban din po ang mga naniniwala kay Pangulong Duterte."

Ipinost ni Mocha ang CNN Philippines interview niya sa kanyang Facebook account.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN