Denise Laurel defends family's presence at Libingan ng mga Bayani on day of Marcos burial

IMAGE Instagram

Denise Laurel clarifies that she and her family were at Libingan ng mga Bayani on the day of Marcos's burial, not to support the former president, but to celebrate the birthday of their grandfather, former Vice President Salvador "Doy" Laurel.


Nagpaliwanag si Denise Laurel sa diumano'y maling ulat na pumunta siya at ang kaniyang pamilya sa Libingan ng mga Bayani noong November 18 upang makiisa sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pamamagitan ng social media, nanawagan si Denise sa CNN Philippines na klaruhin ang umano'y nauna nitong ulat na nasa Libingan ng mga Bayani ang pamilya ni Denise bilang pagsuporta sa libing ng dating diktador.

Ani Denise, nasa sementeryo sila para sa paggunita sa ika-88 kaarawan ng kanyang yumaong lolo na si dating Vice President Salvador 'Doy' Laurel, na isinilang noong November 18, 1928.

Tweet ng Kapamilya actress: “For our family today is about our grandfather and what he did for us and our country!

"It's his birthday today and we visited him in libingan ng mga bayani! He was a hero and loved his country. Don't do that to him."

Si Doy Laurel ang naging running mate ni Corazon "Cory" Aquino sa nangyaring snap elections noong 1986, na naging daan upang mapatalsik sa puwesto si Marcos pagkatapos ng 20 taon sa Malacañang.

Ipinost din ni Denise sa kanyang Instagram account ang videos na nagbibigay ng speech ang kanyang lolo kontra sa rehimeng Marcos.

Samantala, ipinost naman ng CNN Philippines ang exclusive interview nito kay Celia Diaz-Laurel, biyuda ni former Vice President Laurel, na nagpapahayag ng kanyang pagpabor sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“The man has served the country, right? He served when he was a soldier. He served as part of the Congress. And he served as a president.

"He served many more years than people who are now in government. So he deserves to be [buried in Libingan ng mga Bayani.]."

Binanggit din sa video na ang mga Laurel ay nasa lugar para gunitain ang kaarawan ng dating bise presidente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN