Robin Padilla on Marcos: "Hero siya sa akin."

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla says former President Ferdinand Marcos—who is regularly referred to in the international press as Philippine dictator Ferdinand Marcos—is a hero because he allegedly stood up against the US during his regime.


Ipinaliwanag ni Robin Padilla kung bakit bayani ang tingin niya kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Ako'y tagahanga ni Marcos,” pag-amin ng action star sa panayam niya sa CNN Philippines na naka-post sa social media accounts ng nasabing news channel.

Dagdag niya, “Kung pag-uusapan natin kung sinong unang lumaban sa mga Amerikano, si Marcos yun, bago siya tinanggal [sa puwesto bilang Pangulo].

"Si Marcos ang unang-unang nagsalita ng patungkol sa aid. Meron 'yan speeches, nasa library, [speeches] ni Marcos."

Ikinuwento pa ni Robin ang pakikipag-usap daw ni Marcos sa ibang bansa para makakuha ng assistance para sa bansa.

“Sinabi ni Marcos na dapat yung aid sa Pilipinas, tumbasan yung kung ano ang kailangan natin, hindi pupuwedeng military aid.

"At kung hindi naman ibibigay ng Kano yun, pupunta na lang siya sa Russia.

“Si Marcos yun. For me, na ginawa ni Marcos yun, hero siya sa akin.”

Tinanong ni news anchor Pinky Webb si Robin kung ginaya ba ni President Rodrigo Duterte ang ginawang ito ni Marcos.

Sagot ng aktor, “Hindi naman siya ginaya ni Duterte.

“Si Andres Bonifacio ang unang nagsabi nun, sa Espanya [Spain] niya sinabi.”

Matatandaang hinamon ni Duterte ang US government na tanggalin ang assistance nito sa Pilipinas.

Vocal din ang pangulo na gusto niyang makipagtulungan sa pinuno ng Russia na si Vladimir Putin.

Tinanong muli ng news anchor si Robin sa pahayag nitong "hero" ang tingin niya kay Marcos.

“For me, to stand up against America,” tugon niya.

Nauna nang sinabi ni Robin sa isang interview sa PEP na pabor siya sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Read: Robin Padilla in favor of Marcos burial at Libingan ng mga Bayani


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN