Rocco Nacino happy for good friend Enzo Pineda who has transferred to ABS-CBN

IMAGE Rocco Nacino and Enzo PIneda's Instagram

Rocco Nacino feels genuinely happy for StarStruck 5 batchmate and good friend Enzo Pineda, who has transferred to ABS-CBN: "Kita naman sa kanya. He's been doing good, he's been getting good reviews about his acting, so alam mo yun? Kudos sa kanya."


Sina Rocco Nacino at Enzo Pineda ang magka-batch sa Season 5 ng StarStruck.

First Prince ni Steven Silva (Ultimate Male Survivor) si Enzo at Second Prince naman si Rocco.

Ngayong nasa ABS-CBN na si Enzo, hiningan si Rocco ng reaksyon niya tungkol dito.

“I’m happy for him,” ang umpisang pahayag ni Rocco, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng indie movie na Bar Boys na ipapalabas sa mga SM cinemas sa December 7.

“I’m happy for him at nagkita kami recently, dahil nag-viewing kami ng first cut ng film na ‘to [Bar Boys].

“Bago kami mag-viewing, wala, kuwentuhan talaga kami, so tuwang-tuwa ako sa kanya.

“Although he’s with the other network, sabi ko, ‘Pare, just keep doing your best, and I’m really happy for you.' So, sabi ko tuluy-tuloy na ‘yan.”

Ginanap ang presscon ng Bar Boys nitong nakaraang Huwebes, November 17, sa Blue Rocket Cafe sa Quezon City.

PRIVY TO ENZO'S PLANS. Bago pa pala umalis si Enzo sa GMA ay alam na ni Rocco ang plano nitong paglipat ng istasyon.

Sabi niya, “Yeah, alam ko na. We’ve always been updated with each other.”

Si Enzo ba ang unang nagsabi sa kanya na lilipat na ito?

Tugon niya, “Parang rinig-rinig ko lang, tapos kinonfirm ko sa kanya.

“Tapos, siyempre hindi namin 'pinapaalam sa iba, pero sa akin niya sinabi na gagawin na nga niya yung move na yun.

“Sabi ko, ‘Whatever’s healthy for you, go for it!’

“Di ba? So masayang-masaya ako para sa kanya. At kitang-kita naman. Ayun, parami nang parami ang followers niya.”

GENUINELY HAPPY FOR ENZO. Hindi ba nakaramdam ng lungkot si Rocco kahit papaano sa pag-alis ni Enzo sa GMA?

“Medyo inaway ko siya! Hindi, biro lang,” at tumawa si Rocco.

“Hindi, hindi!

“Parang pabiro lang na away, parang, ‘Ano ba ‘yan, iniwan mo naman ako?! Hindi na tayo magpe-perform together sa mga guestings.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pabiro lang yun, kasi kumbaga, magkabarkada naman kami.

“Tsaka he’s my best friend, of course. I’ll always be happy for him, kung ano’ng path man puntahan niya.

“And kita naman sa kanya. He’s been doing good, he’s been getting good reviews about his acting, so alam mo yun? Kudos sa kanya.”

STANDING STRONG.” Biniro namin si Rocco na tila nauubos na ang Batch 5 nila sa StarStruck. Wala na rin sa GMA sina Steven at Sarah Lahbati.

Tumawa muna si Rocco bago muling nagsalita.

“Ako, Diva [Montelaba], Sef [Cadayona], kami nandito pa, standing strong!

“Alagang-alaga naman kami ng GMA Artist Center so there’s nothing to complain about.”

STILL A PROUD AND LOYAL KAPUSO. Tinanong namin si Rocco kung gaano siya ka-loyal bilang isang Kapuso.

“Well, I just signed with GMA and Artist Center, another three years,” masayang pagbabalita pa ni Rocco.

Noong Oktubre lamang siya muling pumirma ng bagong kontrata sa GMA.

“I’m really happy. Maraming bumati sa akin.

“It was a very good move to renew with GMA—and why move, di ba?

“Parang, if I’ve been given wonderful roles, so no complaints.

“I’m really happy with what’s going on and lalo na sa mga plans for 2017.”

Sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda, ang Bar Boys ay produced ng Tropic Fills in cooperation with SM Lifestyle Entertainment, Inc. at co-produced ng Rotary Club ng San Miguel Makati.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN