Robin Padilla sets aside showbiz career to focus on "Duterte revolution"

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla reveals that he rejected numerous showbiz projects because his passion is now focused on President Rodrigo Duterte's "revolution." 


Isasantabi muna ni Robin Padilla ang kanyang showbiz career upang ituon ang atensiyon sa kanyang mga adbokasiya.

“Kasi masyado akong involved ngayon sa aking mga advocacy—sa OFWs [overseas Filipino workers], sa Lumads,” paliwanag ng action star sa Facebook live conversation nila ni Pinky Webb para sa CNN Philippines noong Biyernes, November 18.

Dagdag ni Robin, “Yung aking showbiz career, medyo ikinagagalit na ng opisina [management] ko kasi marami... mga may pelikula, may teleserye...

“Wala pa kasi doon ang passion ko.

"Nandito pa ako sa rebolusyon ni Mayor [Rodrigo] Duterte, kaya mas busy ako na nasa labas ng bansa.

“Pinupuntahan ko ang mga kababayan natin na nasa abroad. Kinakamusta ko sila.

“Kapag meron tayong mga Lumads na nandidito, nandoon ako.

"Kung sila naman ang nandun, pupuntahan ko sila."

Saad pa ng aktor, mas kailangan ngayon ni Pangulong Duterte ng mga tutulong sa kanya.

“Mas nandun ako, e. Parang para sa akin kasi, kailangan yung ginagawa ni Mayor, meron mga taong sumusunod sa ginagawa niya.

"Na hindi naman kinakailangan na nasa posisyon ka, na para walang kulay kung ano mang kulay yun."

PROJECTS NEXT YEAR. Humingi ng pasensiya si Robin dahil baka sa susunod na taon na siya makagawa ng proyekto.

“Pasensiya na kayo. Alam ko maraming nag-aantay, kahit sa telebisyon.

“Napakadaming nag-aantay sa ating project.

“Huwag ho kayong mag-alala, baka ho isang araw bumalik na ho yung gana ko.

“Ngayon kasi, medyo napakarami po nating natatanggihan na proyekto.

“Kasi ngayon, masyado po tayong abala talaga.

“Ang dami pong nangyayari, sabay-sabay.

“Tingnan po natin next year kung mailalagay po natin sa kalendaryo ‘yan.

“Pero meron na po ‘yan.

"Pipilitin po natin ang Vidanes [talent management ni Robin] na mag-release ng teaser.

"Meron na po ‘yang teaser para makita niyo.

"Para yung excitement niyo tuluy-tuloy,” dugtong ni Robin para sa isang future project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang linggo, binigyan ni President Duterte ng absolute pardon si Robin kaugnay ng kaso nitong illegal possession of firearms noong 1994.

Read: President Rodrigo Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN