Janice de Belen on ex-husband John Estrada: "We may not be friends, pero okey na kami."

IMAGE Noel Orsal

Janice de Belen on thawing relationship with ex-husband John Estrada: "Unang-una, matatanda na kami. Baka umabot na sa panahong maga-asawa na yung mga anak namin, hindi pa rin kami nag-uusap. Nakakaloka yun."


Hindi pa raw nakikita nang personal ni Janice de Belen ang anak ng ex-husband niyang si John Estrada sa asawa nito ngayon na si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles.

Ayon sa seasoned actress, “Nakikita ko sa pictures, nakikita ko kapag nasa picture mga anak ko.

“Ang laki niyang bata, matangkad.”

Sila naman ni John ay dalawang taon na raw na nagkaayos.

“Okey na kami, okey naman na kami.

“We may not be friends, hindi kami chummy, pero okey na kami.

“Hindi kami magkagalit, hindi na kami nagbabangayan… unang-una, matatanda na kami.

“Tumatanda na rin ang mga anak namin at may mga bagay-bagay na dapat na naming pag-usapan.

“Baka umabot na sa panahong mag-aasawa na yung mga anak namin, hindi pa rin kami nag-uusap. Nakakaloka yun!”

Nakakapagbiruan na ba sila ni John?

Tugon ni Janice, “Hindi naman, kasi wala namang tsansa para magbiruan kami, hindi pa ganung level.”

Alam ba ni Janice na madalas ay may punchline na pinakakawalan ang aktor kapag natatanong ito ng press tungkol sa kanya?

Pakli niya, “Pina-punchline ko rin naman siya, okey lang yun, walang personalan.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa farewell presscon para sa Be My Lady, na ginanap sa Le Reve Events Place, Quezon City, noong Biyernes, November 18.

ASSOCIATES. Umabot ng 11 months ang working relationship nina Janice at Priscilla sa Be My Lady, isa sa pinakamatagal na teleserye ng ABS-CBN.

Bilang si Janice ang ex-wife ni John at si Priscilla naman ang asawa ng aktor ngayon, paano ang naging pagsasama nila sa set ng teleserye?

Pagbabahagi ni Janice, “Well, okey lang, once in a while it gets talaga uncomfortable.

“Siguro naku-conscious din ang mga taong pinagmamasdan kayo.

“Or bibigyang kulay ang pag-uusap ninyo or something.

“Pero okey lang kapag nagwu-work lang kami, kapag magkaeksena lang kami.”

Hindi direktang sinagot ni Janice ang tanong kung ang level ng tsikahan nila ni Priscilla ay umabot sa mga pagpapalitan ng kuwento tungkol sa kani-kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, ni-recall ng award-winning actress ang interview sa kanya ni Boy Abunda sa show ng TV host.

“Like I said, when I was in the show of Tito Boy, tinanong niya sa akin, ‘Do you think you will ever be friends?’

“Sabi ko, siguro hindi… with your best friend, with your girlfriends, you will talk about everything.

“You will talk about boys; pag-uusapan namin ang boys?

“Medyo weird nang konti; basta, it’s weird, maging realistic tayo.

“Okey tayo pag nagtatrabaho, pag nagkita tayo, tama na muna yung ganun.”

CHRISTMAS WITHOUT MOM. Samantala, ngayong nalalapit na ang Pasko ay ginunita ng aktres ang yumao niyang ina na si Mrs. Susan de Belen, na kilalang-kilala sa showbiz noong kasikatan ni Janice.

Ayon sa aktres, “It’s our first Christmas without my mom.

“Si Mommy ang tigabasa ng mga pangalan kapag ilalabas na ang mga regalo.”

Sabi pa ni Janice, “Of course, magkakasama kaming lahat,” na ang tinutukoy ay ang kanyang mga anak.

Gusto raw niyang maging masaya pa rin ang Pasko nila sa kabila ng pagkawala ng ina niya.

“Dapat hindi mo na ma-feel yung lungkot because it’s something we cannot change.

“And there’s nothing we can do about it.

“Siguro gagawin mo ang lahat para hindi niyo maramdaman ng family ninyo ang lungkot.

“Puwede mo namang iwasan yun, e,” saad ni Janice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN