Janice de Belen lauds entry of indie films in MMFF 2016

IMAGE Noel Orsal

Janice de Belen: "Indie films are more experimental, are braver in terms of storyline, in terms of casting… one day, baka hindi na siya kailangang tawaging indie."

 


Nagsimula si Janice de Belen bilang child star, pero kahit matagal na siya sa industriya, wala raw sa isip niya ang mag-produce o magdirehe ng pelikula.

Saad niya, “It’s weird kasi lahat na gusto kong gawin ay may kinalaman sa industriya.

“Kaya lang, wala yata akong gift para diyan, wala akong gift sa pagdidirek.

“Wala ako sa pagpu-produce, wala rin akong pera sa pagpu-produce.

“Wala akong gift sa ganyan... ito lang ang tangi kong gift, ang umarte.”

Sa puntong ito ay nagpahayag si Janice ng pagnanais gumawa ng indie film.

Aniya, “Masaya namang mag-indie, e, if there’s a good story, why not?

“Actually, gusto kong mag-indie.”

Kaugnay nito ay nagbigay rin ang batikang aktres ng kanyang opinyon sa pagkiling ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 screening committee sa indie films.

Hindi nakapasok ngayong taon ang malalaking pelikulang pinagbibidahan ng big stars tulad nina Vic Sotto, Coco Martin, at Vice Ganda.

Ang mga pelikula ng mga ito ang nangunguna sa takilya noong mga nakaraang MMFF.

Read: MMFF officials deny snubbing big franchise films in MMFF 2016 screening process

Ayon kay Janice, “Aminin na natin that the movie we make nowadays, kailangan sigurado.

“Dapat formula, dapat something tiwala tayo that it will work, di ba?

“Indie films are more experimental, are braver in terms of storyline, in terms of casting.”

Sambit pa niya, “It’s actually good.

“I’m happy na ganun kasi, one day, baka hindi na siya kailangang tawaging indie.

“It will actually be amazing… which is good for everybody because maraming artista, maraming gustong magtrabaho.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Janice sa farewell at thanksgiving presscon para sa ABS-CBN daytime series na Be My Lady noong Biyernes, November 18.

HAPPY ENDING. Wala raw separation anxiety na nararamdaman si Janice pagtatapos ng Be My Lady na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Janice, na gumanap na ina ni Erich, “Ku-quote ko yung character ko sa show na recently lang tinake.

“Ganun talaga, maraming pagbabago, may dumarating, may umaalis.”

Pagkatapos ng show ay hindi naman daw mawawalan ng pagkakaabalahan si Janice.

Madalas nga ang posting niya Instagram account ng cooking activities na binabalikan niya ngayon.

Ayon kay Janice, “Dyumu-join sa mga bazaars, masaya.

“Pero pahinga muna, tutulog muna ako ng ilang araw.

“‘Yan muna ang nasa isip ko, wala muna yung ibang mga bagay-bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN