Daniel Matsunaga waiting for right time to marry Erich Gonzales

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunaga is waiting for the right time to marry girlfriend Erich Gonzales: "Ako, kung time talaga, it's time. It doesn't matter whoever says something or whatever. If I think I can afford to have a family, that's it. I'm still working very hard in my career, working on my house and everything."


Mas tumatag daw ang relasyon nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales nang magsama sila bilang magka-love team sa daytime teleserye ng ABS-CBN na Be My Lady.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daniel sa final press conference ng Be My Lady noong Biyernes, November 18, ibinahagi ng Brazilian-Japanese model at aktor na marami silang natutunan sa isa't isa sa loob ng mahigit isang taon nilang pagte-taping.

Saad niya, "We learned so much with each other. We grew so much stronger.

"Right now, we are in a stage na we really stepped up sa lahat ng ginawa namin because of the time we spent together. That was the most precious thing.

"Kahit my family, I wasn't able to see them, kasi six times a week kami nagte-taping, hand-to-mouth pa, [sa] Pampanga pa.

"Kahit sobrang puyat kami, kahit sobrang pagod o mainit yung location, we are super blessed, super happy na meron kaming bagong family."

WEDDING SCENE. Bago magtapos ang teleserye nila sa Biyernes, November 25, ay nakapag-shoot sina Daniel at Erich ng wedding scene na inere noong nakaraang linggo.

Kaya natanong si Daniel kung na-imagine din ba niyang ikinakasal sila ni Erich sa totoong buhay.

Sagot niya, "Of course, we are also into our characters.

"But, I guess, our plan is a different wedding.

"Not sure if it’s gonna be in the garden or in the church."

Dahil sa nasabing eksena ay naging excited ang DanRich fans na makasal sila sa totoong buhay, kaya naman nausisa rin si Daniel kung nape-pressure ba siyang mag-propose at magpakasal na sa girlfriend.

Subalit sabi niya, "Hindi nape-pressure. Nakakatuwa kasi they saw it, they loved it, and they support us.

"They always support us, they're always giving super-magandang comments."

Sa ngayon naman ay mas pinipili raw muna nila ni Erich na maging focused sa career at maghintay ng tamang panahon para sa pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Daniel, "Ako, kung time talaga, it's time.

"It doesn't matter whoever says something or whatever.

"If I think I can afford to have a family, that's it.

"I'm still working very hard in my career, working on my house and everything.

"I don't want to depend on anyone. Everything is on the way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN