Gab Valenciano calls Marcos burial the "most devious burial ceremony"

IMAGE Facebook (Gab Valenciano)

Gab Valenciano on Marcos burial: "'Moving on' from this specific issue is like allowing someone to brutally murder your family and decades later, just waltz right into the scene like nothing happened."


Isang mahabang Facebook post ang ginawa ni Gab Valenciano upang ihayag ang kanyang saloobin sa ginawang madalian at sikretong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes, November 18.

Ayon sa anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, iniiwasan na niyang magkomento tungkol sa usaping pulitika sa bansa, ngunit hindi raw niya kayang manahimik lalo pa't milyun-milyong kababayan niya ang apektado sa nasabing isyu.

“I may not be a professional analyst, but I am a citizen of this nation and will exercise my freedom to express my thoughts,” bahagi ng post niya noong Sabado, November 19.

MOST DEVIOUS BURIAL. Ayon kay Gab, hindi niya naabutan at naranasan ang kapanahunan ni Marcos bilang pangulo.

Dalawampung taon naupo bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas si Marcos, mula Disyembre 1965 hanggang Pebrero 1986.

Ipinanganak si Gab noong June 11, 1988, dalawang taon pagkatapos mapatalsik sa kapangyarihan si Marcos dahil sa makasaysayang People Power Revolution.

Anim na presidente ng Pilipinas na ang nasilayan ni Gab: Corazon Aquino (1986-1992), Fidel Ramos (1992-1998), Joseph Estrada (1998-2001), Gloria Macapagal-Arroyo (2001-2010), Benigno Aquino III (2010-2016), at Rodrigo Duterte (2016-).

Pahayag pa ni Gab sa kanyang FB post: "So in theory, I really have no right to speak on behalf of those who were truly affected."

Subalit ang mga pangyayari raw ngayon ay maaaring makaapekto sa kanyang kinabukasan.

“But I am a soul of this generation, a citizen of this country, and the issue is causing a great divide between fellow countrymen and possibly affect my future, our future.

“So yes, I believe I do have a say. And so do the young guns of this country.”

Matapang ang pahayag ni Gab laban sa pamilya Marcos dahil sa palihim na paglilibing sa mga labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani, at sa mga kasalanan ni Marcos sa kanyang pamumuno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Understand that forgiveness isn't merely accepting what has happened.

“True forgiveness includes acknowledgment that horrific events did indeed happen, and simply show an initiative to make up for it or even recognize the suffering of thousand or even millions of Filipinos that you caused.

“Sadly, we don't see any of this.”

Aniya, hindi nakitaan ng pagpapakumbaba at pagsisisi mula sa pamilya Marcos, lalo na sa ginawang palihim na paglilibing nito, na tinawag niyang “most devious burial ceremony I have ever read about.”

Pahayag ni Gab, ”'Moving on' from this specific issue is like allowing someone to brutally murder your family and decades later, just waltz right into the scene like nothing happened.

“There is no sense of humility, remorse or sympathy from the family, not to mention the recent, most devious burial ceremony I have ever read about.

“All that, above all, is what I find truly disturbing. So no, I will not move on as this is a direct attack towards our humanity. We deserve better. #marcosnotahero

Sinabi rin niyang nagkakawatak-watak ngayon ang mga Pilipino dahil sa pagkakaroon ng iba-ibang opinyon.

“We are divided on every level; be it spiritually, mentally, politically and/or emotionally.

"From strangers to the closest of friends and family, there really is a sense of discord in regard to opinions, beliefs, priorities and mindsets.”

Kinilala rin ni Gab ang malaking nagawa ni Marcos noong kapanahunan nito, subalit natabunan daw ito dahil sa ilang malalaking pangyayari, gaya ng pagdedeklara nito ng martial law, na isa sa mga pinakamadilim na kasaysayan ng bansa.

Ayon pa kay Gab, “Filipinos are forgetful. We never learn. We seriously don't. This is a clear cut fact and has been our characteristic for decades.

“We are stubborn, complacent, entitled and boastful, partnered with an ungodly level of expectation and hope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Filipinos are gullible and will cling on to anything that looks, feels and sounds good.”

Sinabi pa ni Gab na nanghihinayang siya na sa panahon ngayon, kung saan madaling makahanap ng impormasyon sa makabagong teknolohiya, kagaya ng Internet, ay kulang pa rin sa edukasyon.

“Sadly, we are the type of people who, despite being warned, cross unstable bridges and once the bridge collapses, we complain and blame every single thing we can think of.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN