Kean Cipriano on first anniversary with wife Chynna Ortaleza: "You can never ask for more."

IMAGE Michaela Emelo

Hanggang ngayon ay matipid pa rin si Kean Cipriano sa pagkukuwento sa buhay nila ng asawang si Chynna Ortaleza. Pero masaya raw siya at dumating sa kanyang buhay si Chynna.


Kasabay ng pagdiriwang nina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza ng unang anibersaryo nila bilang mag-asawa ang bihaye nila sa Japan.

Pero matipid ang kuwento ng Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough star tungkol sa kanilang bakasyon.

Lahad ni Kean, “Sa totoo lang kasi, ano kami, e, paano ba….

"Parang kung ikukuwento ko kasi yung mga nangyari sa Japan trip namin, parang ayokong galawin kung gaano ka-sacred yung trip namin.

“Pero kung tatanungin mo ko kung gaano kasaya, sobrang saya.

"I would like to travel the world with that lady."

Kumusta na ang relasyon nila ni Chynna bilang mag-asawa sa loob ng isang taon?

“Okey naman, okey naman,” matipid niyang sagot.

“I am blessed with a beautiful woman, with a beautiful woman, you can never ask for more.

"Ano yun, wala na kong mahihiling pa."

BLESSED 2016. Naging mabunga ang taong 2016 para sa singer-actor.

Bukod sa kanyang regular gigs at out-of town-shows, nagawa pa niyang makatapos ng pitong pelikula.

Ang kanya bang ginagawang pagdoble-kayod ay dahil unti-unti nang lumalaki ang kanyang pamilya?

Tugon ng bokalista ng bandang Callalily, “Well, hindi lang naman dahil dun.

"Ako naman kasi, ever since, ano ako, e, mahilig akong magtrabaho.

“Mahal ko lang talaga ang ginagawa ko. Mahal ko lang ang industry kung nasaan ako, gusto ko yung art na ginagawa ko.”

Ngayong nagbunga na ang kanilang pagsasama ni Chynna—ang kanilang panganay na si Stellar—mas lalo ba siyang nagsipag sa pagtatrabaho?

Sagot ni Kean, “Definitely, definitely, kumbaga, mas naging inspired pa ako.”

DIFFERENT CAREER PATH. Pagdating naman daw sa kani-kanilang karera, sinisigurado daw nilang hangga’t maaari ay magkahiwalay sila ng trabaho.

“Dapat, yun naman ang point,” sambit ni Kean.

“Kung meron kaming isang napagkasunduan ni Chynna, siyempre, na-establish niya ang career niya for the longest time, so kung ano ang kailangan niyang gawin, i-pursue niya as siya, and ako as ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the end of the day, I sleep with my best friend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN