Janella Salvador on possible romance with Elmo Magalona: "If it happens, it's gonna happen."

IMAGE Noel Orsal (Janella) / Mark Atienza (ElNella)

Janella Salvador supports loveteam partner Elmo Magalona as he copes up with his breakup with Janine Gutierrez. "Andito lang talaga ako to support him and I'm always the one who's trying to cheer him up. I always tell him that I'm always here to listen to him and I'm always gonna be a friend," says Janella.


Ayon kay Janella Salvador, mas naging close sila ngayon ng on-screen partner niyang si Elmo Magalona dahil sa araw-araw nilang pagsasama sa taping ng kanilang palabas.

Ang ElNella loveteam ang magkatambal ngayon sa ABS-CBN weekly series na Wansapanataym.

Sabi ng Kapamilya young actress, "Same pa rin. Mas close na kami ngayon, kasi nakaka-bonding namin ang isa't isa every day."

Matatandaan namang nitong Oktubre ay napabalitang naghiwalay na si Elmo at ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez.

Nanliligaw ba sa kanya ngayon si Elmo?

Sagot ng 18-year-old actress, "Hindi naman."

Subalit maraming fans nila ang nagsasabing mas may pag-asa na ngayong magkatotohanan ang kanilang love team dahil hindi na committed si Elmo sa iba.

Sabi ni Janella, "I don’t want to think of it that way, siyempre.

"Kasi fresh pa rin, siyempre and, of course, I feel for both of them, it's hard to go through a breakup naman talaga.

"Andito lang talaga ako to support him and I'm always the one who’s trying to cheer him up."

Paano naman niya tinutulungang maka-cope up ang kaibigan?

Natatawang sabi ni Janella, "Wala, dyinu-joke-joke ko siya!

"Siyempre, kapag may kailangan siya ikuwento o kaya ano, I always tell him that I'm always here to listen to him and I'm always gonna be a friend.

"Yun nga, pinapa-happy ko lang siya, I try to cheer him up."

Subalit bukas ba siya posibilidad na magkaroon din sila ng relasyon ni Elmo kung sakali?

Sagot ni Janella, "We'll see. If it happens, it's gonna happen.

"It's too early to tell."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Janella sa grand press conference ng pelikula niyang Mano Po 7: Chinoy, ngayong Martes, November 22, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN