Robin Padilla to BB Gandanghari: "You are free, my sister, who used to be my brother."

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla is not keen on knowing about "sister" BB Gandanghari's love life. "Usapin na boyfriend, kanya na lang yun. Di na kailangang ipakilala sa amin," commented Robin. 


Ipinagdiriwang ni Robin Padilla ang kanyang 46th birthday ngayong araw, November 23.

Birthday wish ng action star ay makakuha na siya ng U.S. Visa upang makasunod sa asawang si Mariel Rodriguez, na kamakailan lamang ay nagsilang ng kailang unang anak sa Amerika.

Read: Mariel Rodriguez gives birth to a baby girl

“Sana yung U.S. Visa, mayakap ko naman ang aking Isabella de Padilla at ang aking bayaning asawa.

“I promise I will never give America a problem,” pahayag ni Robin sa panayam sa kanya ni Gretchen Fullido para sa ABS-CBN News.

Natanong din si Robin tungkol sa kapatid na si BB Gandanghari, na nakatanggap din ng magandang balita kamakailan.

Nitong November 16, inaprubahan na ng US court ang petisyon ni BB na legal na mapalitan ang kanyang pangalan mula Rustom Padilla sa BB Gandanghari, at mapalitan din ang kanyang kasarian ng male to female.

LOOK: BB Gandanghari bids farewell to Rustom Padilla

Sinabi ni Robin na masaya siya para sa kapatid sa bagong yugto ng kanyang buhay.

Pero may isang bagay raw na hindi pa handa si Robin pagdating kay BB.

“Usapin na boyfriend, kanya na lang yun. Di na kailangang ipakilala sa amin.”

Dagdag pa ni Robin, “You are free, my sister, who used to be my brother.”

Posible rin daw na makipagkita siya kay BB kapag nakakuha na siya ng U.S. Visa.

BB'S MESSAGE FOR ROBIN. Samantala, hindi naman nakalimutan ni BB na batiin si Robin sa kaarawan nito.

Sa isang bagong post ni Robin, nagkomento si BB at nagbigay ng birthday message para sa kapatid.

Ani BB, “Happy bday to you my dear brother @robinhoodpadilla. What else can I wish for somebody who seems to have everything?

“Hmmmm... Continued happiness my dear bother, that's what I'd pray and wish for you because that's what you deserve and more!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Love you and speak to you soon!”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN