Ryza Cenon admits relationship with Cholo Barretto

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon says it's too early to tell where her relationship with Cholo Barretto will go. In the meantime, she keeps her heart on alert: "Naka-guard… hindi mo siya ibibigay ng hundred percent. Meron ka pa rin iniiwan para sa sarili mo."


Inamin ng Kapuso actress na boyfriend na niya ang aktor na si Cholo Barretto.

Nagkasama ang dalawa sa indie film na Ang Manananggal sa Unit 23B, at doon nagsimula ang pagkakamabutihan nila.

Si Cholo ay pamangkin ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Kanin lang ang may puso pose!!! ??? shout out to #Skills&Bones for my sando aaaand #CafeRacerCebu for my cap! ?????

A photo posted by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

Ano ang nagustuhan ni Ryza kay Cholo?

Sagot ng StarStruck alumna, “Kabaligtaran, may contrast kasi kami ng personality.

“Yung humor niya... mabait din naman.”

Ilang failed relationships na rin ang napagdaanan ni Ryza, natuto na ba siyang huwag masyadong umasa na sila ang magkakatuluyan?

Saad niya, “Merong ganun, minsan ganun yung mararamdaman mo.

“Kasi minsan, feeling ko ang tanda ko na rin.

“Tumatanda na rin ako, kaya minsan naiisip ko.

“Pero nagsasawa ako na isipin kasi paulit-ulit na nangyayari, then back to zero.”

On guard naman daw ang puso niya.

“Naka-guard… hindi mo siya ibibigay ng hundred percent.

“Meron ka pa rin iniiwan para sa sarili mo, fifty-fifty.

“At saka ngayon, parang ang aga pa, bago pa lang naman kami.”

Good Morning!??

A photo posted by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa pictorial ng bago niyang afternoon drama series sa GMA Network, ang Ika-6 Na Utos.

Makakasama niya rito sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN