Daniel Matsunaga wants nothing for his birthday but time with family and GF Erich Gonzales

IMAGE Noel Orsal

Daniel Matsunaga says each moment with Erich Gonzales is precious: "We grew stronger than I thought we could be… we really stepped up sa lahat ng ginawa namin."


Sa November 28 ay ipagdiriwang na ni Daniel Matsunaga ang kanyang 28th birthday.

Wala raw siyang hinihiling o inaasam na materyal na bagay o regalo mula kanino man, lalo na sa girlfriend niyang si Erich Gonzales.

Ayon sa Brazilian-Japanese model-actor, “For me, it’s not all about the gift.

“Gift of time is the one that really touches me the most.

“I have experience na I went away from my family. I was fifteen.

“So, time is really precious.

“You see, every time I go back to Brazil, I see them [his parents] growing old and you miss them.

“I don’t need any material things, I’m very happy with what I have right now.

“I guess, all these things, material things, money, we won’t bring them to heaven anyway.

“I guess, we just enjoy being together.

“What I really like is the relationship that I have with my family and Erich.

“My mom, my sister, my brother, they love her so much.

“For me, that’s pinaka in everything; if you’re a guy, that’s very important.”

PRECIOUS MOMENTS. Ayon kay Daniel, malaking bagay sa relasyon nila ni Erich na buong taon silang nagkasama sa kanilang daytime series sa ABS-CBN na Be My Lady.

Saad niya, “Yung buong year, we learned so much about each other.

“We grew stronger than I thought we could be… we really stepped up sa lahat ng ginawa namin.

“Not just because of work, but because of the time that we spent together.

“It’s the most precious thing.”

Dugtong pa ni Daniel, “Kahit hindi sa work, super busy kami this year.

“Kahit my family, I wasn’t able to see them… six times a week kaming nagti-taping, Pampanga pa.

“Kahit sobrang puyat kami, sobrang pagod o mainit ang location, we’re super blessed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super happy na meron kaming bagong family, sobrang bait lahat, e.

“This is such big blessing, itong show.”

WORK IS WORK. Magtatapos na ngayong Biyernes, November 25, ang Be My Lady, na isa sa itinuturing na pinakamatagumpay na teleserye ng ABS-CBN.

Kung sakaling sa susunod nilang proyekto ay hindi na sila ni Erich ang magkapareha, papayag kaya si Daniel na magkaroon ng kissing scene ang girlfriend sa ibang aktor?

Tugon niya, “Papayag ako. May tiwala ako sa kanya, e, yun ang importante.

“Alam kong professional siya. Kahit sa mga eksena namin minsan, sabi niya, ‘Trabaho ko ‘to.’

“If it’s work, it’s work.

“If your relationship is strong with God and strong with each other, that’s nothing.”

Samantala, magbabakasyon daw ang dalawa sa New York.

Makakasama nila ang pamilya ni Daniel na manggagaling naman sa Brazil.

“We need a little break, so I can’t wait to have one week of rest,” bulalas pa ni Daniel.

Ano ang pinaka-enjoy niya sa travels nila ni Erich?

“Her presence,” mabilis niyang sagot. “Our time together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN