Ex-lovers Kristoffer Martin and Joyce Ching willing to give love a second chance

IMAGE Bernie Franco

Kristoffer Martin on giving a second chance to his relationship with Joyce Ching: "Siguro ang iniisip namin ngayon, kung papasok ulit kami, kung magiging kami ulit, wala nang hiwalayan. Kumbaga, diretso na."


Sinorpresa ni Joyce Ching ang kanyang leading man at dating boyfriend na si Kristoffer Martin sa post-surprise birthday party ng aktor, kasama ang fans, sa Music Bank, Timog Avenue, Quezon City noong Martes, November 22.

Ipinagdiwang ni Kristoffer ang kanyang ika-22 kaarawan nitong Linggo, November 20.

Dahil sa kanilang madalas na pagtatambal, nagkamabutihan at naging magkasintahan sina Kristoffer at Joyce.

Subalit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Sa ngayon, magkatambal muli ang dalawa sa GMA-7 afternoon drama series na Hahamakin ang Lahat.

Dahil muli silang magkasama sa isang proyekto, inusisa ang dalawa kung nanunumbalik ba ang pagtitinginan nila sa isat isa.

Tugon ni Kristoffer, “Siguro ang sa amin ngayon, malinaw na masaya kami sa company sa isa't isa.

“Alam namin na nandiyan kami para sa isa't isa. Kumbaga, shoulder to cry on, anytime of the day.

"Kahit madaling-araw, tawagan mo siya [Joyce], sasagot siya.”

Paglilinaw ni Joyce, kahit noong naghiwalay sila, silang dalawa rin ang nagdadamayan.

“Even nung after nung breakup, nakakatawa kami, kasi kami nagko-comfort sa isa't isa.

"Sobrang labo!" natatawang sabi ng dalaga.

Sundot naman ni Kristoffer, “Nung naghiwalay kami, kapag may problems, kami ang takbuhan ng isa't isa.

"Hiwalay na kami nun.

“Kung anuman kami before, ganun pa rin kami.

“Of all people kasi, mas kilala ako nito. Siya ang tipo na hindi ka idya-judge.”

Hindi rin daw sarado ang kanilang pinto sa posibilidad na magkabalikan sila.

Pero hindi raw kailangang magmadali.

Ayon pa kay Kristoffer, “Siguro ang iniisip namin ngayon, kung papasok ulit kami, kung magiging kami ulit, wala nang hiwalayan.

"Kumbaga, diretso na."

Patuloy niya, “Sinasabi namin sa lahat ng interviews, di kami nagko-close ng doors. Open kami sa lahat ng possibilities.

"Kung paano kami ngayon, di naman kami magkaaway, di natin alam kung saan pupunta [ang relasyon].”

Dagdag ni Joyce, “Sobrang nag-e-enjoy lang talaga kami sa company ng isa't isa ngayon, kasi nag-e-enjoy kami sa mga tapings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi after Tween Hearts [2010-2012], ngayon nagkakasama every day."

Sa tanong kung kailan sila magiging bukas na maging magkarelasyon ulit, sagot ni Kristoffer: “Perfect timing. God’s perfect time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN