Jessy Mendiola on relationship with Luis Manzano: "Obvious naman, di ba?"

IMAGE Noel Orsal

"Pagkatapos ng pagpu-post niya, parang wala na akong dapat sabihin," says Jessy Mendiola when asked about real score with Luis Manzano.


Aminado si Jessy Mendiola na isa si Luis Manzano sa mga pinaghuhugutan niya ngayon ng inspirasyon.

Ayon kay Jessy, supportive sa kanyang acting career ang napapabalitang boyfriend.

“Sobrang supportive po siya.

"Pag may mga times na sinasabi kong hindi ko na kaya o ayoko na, siya yung, ‘This is for you, you have two films coming up, pag-igihan mo lang.’

“Coming from someone na very blessed po and from someone who’s good at what he's doing, sobrang happy ko na lang na may isang taong naniniwala rin sa akin," saad ni Jessy.

Bukod sa inspirasyon, nagbibigay rin daw si Luis ng kasiyahan sa kanya.

“Bigla na lang siyang mangungulit, magpapatawa.

"Kilala naman po ng lahat kung sino siya.

"So, wala naman po akong kailangang sabihin about him."

Banaag ang kasiyahan sa mga mata ni Jessy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa presscon ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy, sa Valencia Events Place, Quezon City, noong Martes, November 22.

Bukod kay Luis, minsan ay kumukuha rin daw si Jessy ng inspirasyon sa pamamagitan ng pagpu-post ng motivational quotes sa social media.

Aniya, “Yung mga posts ko po [sa Instagram at Twitter], pang-inspire ko po sa sarili ko.

“Kasi may mga times na medyo mahirap na. May mga times na napapagod ka na.

“Pero dapat ganun pa rin, go ka lang nang go.

“Kailangan yung mga pinu-post mo, very positive lang para dumating din yung panahon na ikaw,  malakas ka rin sa sarili mo.”

CHEESY PHOTO. Kamakailan ay pinag-usapan ang pagpu-post ni Luis sa Instagram ng “cheesy” moment nila ni Jessy, kung saan makikitang naka-angkla ang kamay ng TV host kay Jessy habang magkatabi sa loob ng sasakyan.

Hi ????

A photo posted by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Sabi ni Jessy tungkol dito, “Hindi ko po alam na ipu-post niya yun.”

Ang naturang larawan ay naunang nai-post ni Jessy sa kanyang Instagram account, pero binura raw niya ito dahil sa bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jessy Mendiola posts hugging photo with Luis Manzano

Kuwento niya, “Kasi nong time na dinilete ko na yun, dinilete ko yung Instagram account ko.

“Kasi medyo napupuno na ako sa bashers, medyo napapagod na ako.

“Tapos, biglang may nag-screenshot. So, sinend yung screenshot, may nagsabing ‘Oh my gosh, nag-post siya.' Sabi ko, 'Ano yun?'

“Ayun, nag-post pala siya [Luis] nang hindi ko alam.”

Base sa larawan, tila proud si Luis sa kanilang relasyon.

Komento ni Jessy, “Opo naman. I’m very happy he’s like that.

“Kahit sinumang babae, matutuwa kapag ganun yung lalaki…

“Pero nagulat lang po ako. Pero happy pa rin.”

Dahil ba rito, aaminin na nila ang estado ng kanilang relasyon?

“May ganun pa po ba?” balik-tanong ni Jessy.

“Pagkatapos ng pagpu-post niya, parang wala na akong dapat sabihin.

“Obvious naman, di ba? Sa picture, obvious naman.”

BALANCED YEAR. Ngayong 2016, sunud-sunod ang blessings na dumating sa showbiz career ni Jessy.

Noong June, itinanghal siya bilang Sexiest Woman for 2016 ng FHM Philippines.

Noong October naman ay ginawaran siya ng Best Asia Pacific Star award sa APAN Star Awards, na ginanap sa South Korea.

Naging mainstay rin siya sa weekly gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

Bukod dito, dalawang pelikula ang natapos niya—ang Extra Service at Mano Po 7: Chinoy.

Isinumite ang parehong pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 ngunit nabigong mapabilang sa walong official entries.

Bukod sa takbo ng showbiz career, masasabing masaya rin ang love life ni Jessy sa piling ni Luis.

Kasama ba si Luis sa nagpapasaya sa kanya ngayong taon?

Sagot ni Jessy, “Opo naman.

"Sabi ko nga, kapag may nawawala, may dumarating talaga na nagpapasaya sa iyo.

“So, para sa akin, tulad nga ng sabi ko, I'm taking one step at a time, day by day, para hindi rin ako ma-overwhelmed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, may mga times na overwhelmed na, ‘Iwan ko na lahat!’

“Siyempre, pag sabay-sabay lahat, minsan nakaka-stress, nakakalungkot, not all good.

“Pero how would you know the good if there isn’t the bad?

“So, parang balance lang. Balanse sa akin ang 2016 at sana sa 2017."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN