Ruru Madrid says Gabbi Garcia still not ready for relationship

IMAGE Instagram photo of Ruru Madrid

What is Ruru Madrid birthday gift to Gabbi Garcia for her 18th birthday? Ruru says, "Parang gusto ko pong iregalo sa kanya, isang memory na hinding-hindi niya makakalimutan."


Hindi si Ruru Madrid ang magiging escort ng ka-love team niyang si Gabbi Garcia sa debut party nito sa Marriot Hotel sa December 6.

Ayon sa Kapuso young actor, “Wala pong escort. Sabi niya baduy daw kapag meron.”

Ang mangyayari ay magkakaroon lang ng 18 Roses, pero ang una at huling makakasayaw ni Gabbi ay ang kanyang ama at lolo.

Si Ruru ay ika-17 sa 18 Roses ni Gabbi, na kapareha niya ngayon sa telefantasya ng GMA Network na Encantadia.

Ano ang pakiramdam ni Ruru tungkol dito?

Okey lang po. Sabi ko nga sa kanya, kahit hindi naman ako pumunta sa debut niya, okey lang!” natatawang sabi ni Ruru, habang umaastang nagpapaawa.

Dagdag pa ng binata, “Kasi, ano niya yun, e, night niya yun.

"Sabi ko sa kanya, 'Hindi mo naman ako mapapansin dun.'

Siyempre, maraming mahahalagang tao dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa taping ng Encantadia noong November 16.

SPECIAL GIFT. Dahil isa sa mga espesyal na tao sa kanya si Gabbi, naisip na ba ni Ruru ang regalong ibibigay niya sa kanyang onscreen partner?

“Actually ano, e, surprise, pero hindi niya alam.

“Ako kasi, ma-gift ako na tao. Every time na may isang okasyon o special day.”

Naregaluhan na raw niya si Gabbi noong mga unang taon bilang magka-love team, gaya ng stuffed toys, at kamakailan naman ay bracelet.

Ngayong debut na ni Gabbi, singsing na?

“Kotse!” biro ni Ruru.

“Wala po, pinag-iisipan ko pa po.

“Parang gusto ko pong iregalo sa kanya, isang memory na hinding-hindi niya makakalimutan or siguro, may gagawin na lang ako sa debut niya.

Actually, may naisip ako, pero ewan ko, sana ma-pull-off yun. At sana, magustuhan niya.

Pero si Gab naman po, sobrang naa-appreciate niya.”

READY FOR A RELATIONSHIP? Excited na ba si Ruru na magiging ganap nang dalaga si Gabbi at puwede na niya itong ligawan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman,” sagot niya.

“Excited lang ako dahil, siyempre, magagawa na niya ang ibang bagay.

“Pero siyempre, kailangan pa rin ng parents para ma-advise-an siya kung papaano ba.

“Pero si Gab naman kasi, kahit 17 pa lang siya or kahit dati pa, sobrang matured na siya.”

Ibig sabihin ba nito ay puwede nang magka-boyfriend si Gabbi?

“Feeling ko, kahit na mag-eighteen na siya, hindi pa rin puwede,” tugon ni Ruru.

Paglilinaw pa niya, “Hindi pa naman kami.

“At saka si Gab kasi, nakita kong sobrang love niya yung craft niya.

"And marami pa po kaming priorities na talagang kailangan.

Ako naman po, okey na ako basta masaya siya sa career niya.

Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay. Kung kami naman po, kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN