Richard Yap not worried about losing his popularity

IMAGE Noel Orsal

Richard Yap on dwindling popularity: "When I started, I never had any aspiration na gusto kong maging sikat or whatever. Basta yung sa akin, whatever happens, happens. Parang nangyari lang siya na hindi ko talaga gusto na maging ganun, o gusto ko talagang sumikat. So, if it's there or not there, I think I'm still the same person that I am. So, okey lang sa akin."


Mula sa pagiging commercial model ay sumikat bilang isang artista si Richard Yap dahil sa characters niya bilang si Ser Chief sa Be Careful With My Heart at Papa Chen sa My Binondo Girl, na parehong ipinalabas sa ABS-CBN.

Matagal-tagal na ring natapos ang mga proyektong ito, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard kung ramdam pa rin niya hanggang ngayon ang init ng pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Tugon niya, “I think until now, meron pa ring... Kasi, what comes out in my Twitter account is puro pa rin ‘Ser Chief.’

“Lalo na ngayon na it's on Jeepney TV, ipinalalabas na siya ulit.

“I still get tweets from people who have just seen it now.

“Meron pa from people of Nigeria, Africa… parang ngayon pa lang nila napapanood, kasi ngayon pa lang ipinalalabas dun.

“It's still there.”

Dugtong pa ni Richard, “I think we still have that magic.

“Basta napapanood pa ng mga tao, andun pa rin yun.

“Hindi lang sa akin kundi maging ang buong show, yung mga kasama ko sa show.”

Wala raw siyang insecurities na mawala ang popularity na yun dahil hindi naman daw yun ang hinangad niya nang pumasok siya sa showbiz.

Sabi ni Richard, “Hindi ko naman talaga inisip yun.

“Kasi when I started, I never had any aspiration na gusto kong maging sikat or whatever.

“Basta yung sa akin, whatever happens, happens.

“Parang nangyari lang siya na hindi ko talaga gusto na maging ganun, o gusto ko talagang sumikat.

“So, if it's there or not there, I think I'm still the same person that I am.

“So, okey lang sa akin.”

Tanggap naman daw niya ang katotohanan na ganun talaga sa showbiz.

Maaaring mabigyan ka ng pagkakataong sumikat, pero hindi ito panghabambuhay.

Ayon pa sa Kapamilya actor, “Mahirap din kasi yung hindi ka mag-let go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody has their time. So, kung wala na, okey lang.

“I can just go back to being the businessman that I was.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa grand media conference ng pelikulang Chinoy: Mano Po 7, noong Martes, November 22.

CRUSH ON JEAN. Hindi ipinagkaila ni Richard na crush niya si Jean Garcia noong napapanood pa niya ito youth-oriented show ng GMA Network na That's Entertainment.

Kaya nang malaman ng Kapamilya actor na kasama niya ito sa pelikulang Chinoy: Mano Po 7, kahit papaano ay na-excite daw siya at naalala ang paghanga niya rito, lalo na nang mag-shoot sila sa ibang bansa.

Ayon kay Richard, “Yung crush ko sa kanya, naging admiration.

“Kasi, as we got to know each other, she's a very likeable person.

“We got to bond with each other na parang naging magkaibigan na rin kami.”

Pinanood ba niya ang movie ni Jean na The Escort, na kapapalabas pa lamang kung saan mayroon itong love scene with Derek Ramsay?

Nakangiting sabi niya, “Wala ako dito nung panahong yun.

“Napanood ko yung trailer, pero di ko masabi sa kanya.”

Gusto rin ba niyang magkaroon sila ng ganung eksena sa future projects nilang dalawa?

Sagot niya, “Depende kung kasama sa script...kung kailangan talaga sa movie. Depende talaga.”

Sa hanay ng female celebrities, sino ang gusto niyang maka-love scene? Yung talagang most desired niya?

Biglang napaisip ang 49-year-old actor sabay sabing, “As of now, wala talaga akong maisip.

“It doesn't really matter kung sino.

“At saka, tanong mo na lang sa manager ko kung papayagan ako [sa mga love scene].

“Maybe in time, dun natin malalaman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN