Bianca Gonzalez bashed for supporting anti-Marcos rally

IMAGE Instagram and Twitter

Bianca Gonzalez to netizens bashing her for anti-Marcos stance: "Tawagin niyo na kaming bias, bobo, bayaran, dilawan at kung anu-ano pang insulto, hindi pa rin nun mababago ang kasaysayan."


Muli na namang inulan ng batikos si Bianca Gonzalez dahil sa pagpapahayag niya ng saloobin kaugnay ng isinasagawang anti-Marcos rally sa Luneta Park, Manila, ngayong Biyernes, November 25.

Hindi nagpunta si Bianca sa rally dahil nasa trabaho siya, subalit hindi raw iyon balakid upang makiisa siya sa mga raliyista.

Ang nagaganap na rally ay bilang protesta sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Idinaan ng Pinoy Big Brother host sa social media ang kanyang pakikiisa para sa #MarcosBurialProtest.

Kaugnay nito, maramining netizens na pro-Marcos ang bumatikos at kumutya sa kanya.

May tweets na personal na ang banat kay Bianca at maging ang kanyang anak ay idinamay pa ng mga basher.

Sinabihan din siyang mag-move on na sa nasabing isyu.

Narito ang ilang tweets na sumalungat at nangutya kay Bianca:






Pero nanindigan si Bianca.

Aniya, kahit anumang pang-aalipusta ang isulat laban sa kanya, hindi pa rin mababago ang kasaysayan, bilang pagtukoy sa mga karahasang nangyari noong martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos.

“Tawagin niyo na kaming bias, bobo, bayaran, dilawan at kung anu-ano pang insulto, hindi pa rin nun mababago ang kasaysayan. #MarcosNOTaHero

Ayon pa sa TV host, may karapatan ang bawat isa na magpahayag ng kanilang opinyon, pro-Marcos o anti-Marcos man.

Sinabi rin ni Bianca na may mga kaibigan siyang salungat sa kanyang paniniwala, subalit hindi nila iniinsulto ang isa't isa.

"May mga kaibigan akong pro Marcos. Pero hindi kami nagmumurahan at nang-iinsultuhan dahil lang iba kami ng paniniwala. Demokrasya."

Samantala, marami rin ang mga pumanig at nagtanggol kay Bianca hinggil sa isyu.

Nadismaya sila sa pananalita ng mga bashers, na kahit daw ganoon parati kasama mag-isip at magsalita, ay hindi nila gustong makasanayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN