Vic Sotto on MMFF's definition of quality movies: "Kung yun ang panlasa nila, I respect that."

IMAGE Noel Orsal

Vic Sotto on MMFF dropping mainstream movies due to quality: "Kami, kapag gumawa, we see to it na mataas ang kalidad… kanya-kanyang depinisyon iyan kung ano ang ibig sabihin ng kalidad."


Ayon kay Vic Sotto, parang nakabuti pa ang hindi pagkakasali ng Enteng 10 and the Abangers sa Metro Manila Film Festival 2016.

Napaaga kasi ang pagpapalabas ng pelikula niya sa mga sinehan.

“We will find out,” sambit ni Vic, “it’s a blessing in disguise for me, for Star Cinema, kasi parang mas hahaba ang playdate namin.”

Dahil palaging pasok ang Enteng series sa taunang MMFF na ginaganap tuwing December 25, nasabi ni Vic, “Parang Pasko na ang pakiramdam ko.”

Sa November 30 na ang showing ng Enteng 10, kasabay ng pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na The Super Parental Guardians.

Sabi Vic, “Mas maganda yung may kasabay, mas mahirap yung nag-iisa ka.”

Mas okay sa kanya na sabay ipapalabas ang mga pelikula nila?

“Mas maraming maa-attract na manonood, lalo na it’s a holiday,” paliwanag niya.

“Maganda pa nito, nagpasabi ang SM cinemas na magbubukas sila ng alas-otso ng umaga.

“That’s what they usually do kapag Christmas, kaya pakiramdam ko Pasko na.”

Dugtong pa ni Vic na may halong biro, “At saka, ayoko rin na malungkot si Vice at saka si Coco, wala silang kasabay.

“Siguro ganun din sila, kung hindi nila ako kasabay, iba ang pakiramdam.”

Nakausap si Vic ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng Enteng 10 and the Abangers na ginanap sa Annabel’s Restaurant nuong Huwebes, November 24.


DEFINING QUALITY. Samantala, inilahad din ni Vic ang kanyang pananaw sa sinasabing mas kinilingan ng MMFF screening committee ang quality kaysa box-office appeal ng walong pelikulang napili nila para sa MMFF 2016.

Aniya, “Babalik pa rin ako sa panlasa, kung yun ang panlasa nila, I respect that.

“Kanya-kanyang panlasa iyan dahil kami, kapag gumawa, we see to it na mataas ang kalidad sa istorya, technical, execution, sa maraming bagay.

“Siguro kanya-kanyang depinisyon iyan kung ano ang ibig sabihin ng kalidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka iba sa depinisyon ko sa salitang kalidad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN