Vic Sotto denies reports claiming Kris Aquino was supposed to be his leading lady in Enteng 10

IMAGE Noel Orsal

For the first time in 15 years, Vic Sotto will have a normal Christmas day with his wife, siblings, and children: "Dati, more often than not, yung utak ko nasa festival. This time, mas kumportable ang Christmas."


Napabalitang si Kris Aquino raw dapat ang leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Pero sa anumang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Itinanggi ito ni Vic sa grand presscon ng kanyang pelikula noong Huwebes, November 24, sa Annabel's restaurant, sa Timog Avenue, Quezon City.

Pero may maikli siyang paliwanag kung bakit naisip ng tao na magiging kapareha niya si Kris.

“Hindi ko alam kung saan galing ang balitang yun, narinig ko na lang yun.

“Siguro, there was a time na nag-uusap sila ni Mr. [Tony] Tuviera.

“Baka napag-isip-isip ng ibang mga nakakakita na para sa pelikula yun, pero hindi.

“Wala, wala siyang kinalaman.”

Matatandaang noong 2013 ay naging co-producer ni Vic si Kris sa pelikulang My Little Bossings, kung saan naging bida rin ang anak ng actress/host na si Bimby.

Samantala, nakalagay din ang pangalan ng misis ni Vic na si Pauleen Luna sa poster ng pelikula.

Dahil hindi malinaw kung sino ang leading lady niya sa Enteng 10, maaari bang sabihing si Pauleen ito?

“Secret yun e nasa bandang huli ng pelikula yun, kaya medyo may konting surprise,” tugon ng box-office star at TV host.

NORMAL CHRISTMAS. Ito ang unang Pasko nina Vic at Pauleen bilang mag-asawa.

Ito rin daw ang unang Pasko nila sa bagong tayo nilang mansion sa Laguna.

(Ang mansion nila ay tampok sa cover ng YES! magazine December issue na nasa newsstands na.)

Bukod dito, magiging iba raw talaga ang Pasko ni Vic ngayon dahil hindi na kasali ang pelikula niya sa MMFF 2016.

“Yun ang magandang nangyari, for the first time in fifteen years, I will have a normal Christmas day.

“With the family lang e dati, more often than not, yung utak ko nasa festival.

“This time, mas kumportable ang Christmas, we’re really looking forward to it.

“And, as always, kasama ko ang mga anak ko, mga kapatid,” masayang sinabi ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN