India wins Miss Globe 2016; PH bet Nicole Manalo lands in top 10

IMAGE @nicolemanalo / @missmundoclombia on Instagram

Pasok sa Top 10 sa Miss Globe 2016 si Nicole Manalo. Si Miss India Dimple Patel (second from right) ang nagwagi sa pageant; first runner-up si Miss Colombia Yenny Carrillo; second runner-up si Miss Albania Kristiana Skurra.


Hindi nasundan ni Binibining Pilipinas Globe Nicole Manalo ang tagumpay ni Ann Lorraine Colis ng Pilipinas na siyang nanalo ng titulong Miss Globe last year.

Ang kandidata ng India na si Dimple Patel ang kinoronahang Miss Globe 2016 kahapon, November 25 (November 26, Manila time), sa coronation night na ginanap sa 25Expo City, Tirana, Albania.

Ang representative naman ng Colombia na si Yenny Carrillo ang itinanghal na first runner-up, samantalang si Kristiana Skurra ng Albania ang nanalong second runner-up.

Apatnapung kandidata mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang naglaban-laban para sa korona.

Pasok sa Top 11 si Nicole ng Pilipinas at ang mga kandidata mula sa South Africa, Kosovo, India, Russia, Poland, Estonia, Colombia, Albania, at China.

Nakapasok din sa Top 11 ang kandidata ng Thailand dahil siya ang nanalo sa popular voting.

Napagwagian naman ni Nicole, na kapatid ng beauty queen na si Bianca Manalo, ang special award na Miss Dream Girl of the World.

Ang iba pang special awards ay ang mga sumusunod:

Miss Elegance: Miss Thailand
Miss Cosmopolitan: Miss Poland
Miss Photogenic: Miss Mexico
Miss Tourism: Miss Montenegro
Miss Intercontinental: Miss Ghana
Miss Golden Girl: Miss Finland
Miss Friendship: Miss Armenia
Best National Costume: Miss Malaysia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN