Former Sexbomb dancer Louise Bolton admits living in with lesbian Dan Padilla

IMAGE Rey Pumaloy

Former Sexbomb dancer Louise Bolton (right) on live-in lesbian partner Nathalie Danielle "Dan" Padilla (left): "Parang pakiramdam namin, ang tagal-tagal na naming magkakilala. 'Tapos, yung two months na relasyon namin, parang years na."


Ang dating Sexbomb dancer na si Louise Bolton ang latest na umamin sa pagkakaroon ng relationship sa isang lesbian.

Si Louise ang mestisahing dancer-singer-frontliner ng second generation ng Sexbomb na dating pinag-reynahan ng Encantadia co-star na si Rochelle Pangilinan.

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa The Library comedy bar, Malate, Manila City, kamakailan.

Inamin mismo ni Louise ang pagkakaroon niya ng relasyon sa isang tomboy na naging finalist sa "That's My Tomboy," ang LGBT personality talent search ng It's Showtime, noong nakaraang taon.

Ang karelasyon niya ay ang 19-year old na si Nathalie Danielle Padilla, na nakilala bilang "Daniel Padilla ng Valenzuela City."

Kasama ni Louise si Dan na nagkuwento ng love story nila sa panayam na ito.

Ani Louise, "First meeting namin sa movie na Camp Sawi.

"Kasi yung friend niya, friend ko."

Ayon naman kay Dan, "Pareho kaming nanonood ng movie, kasi pareho kaming heartbroken. Pareho kaming moving on."

August 31 daw noong nagkakilala sila at mula noon, ayon kay Louise, lagi nang nagti-text sa kanya si Dan.

Patuloy pa ni Louise, "Nung una ko siyang makita, akala ko lalake talaga siya.

"Pero siyempre yung kaibigan ko tomboy rin, so nalaman ko na tomboy rin siya [Dan].

"Ayun, kinuha niya ang number ko 'tapos nagti-text na siya sa akin.

"Sa akin kasi, ever since, ang best friend ko, bading.

"Hindi ako malayo sa LGBT. Marami akong friends na LGBT."

Unang celebrity girlfriend daw ni Dan si Louise.

Dugtong ni Dan, "Siya na ang last."

Sa ngayon, live-in na sila o nagsasama na sa iisang bubong.

Paliwanag ni Louise, "Actually, hindi na ako natatakot [mawala si Dan] kasi live in na kami.

"Tapos, lahat ng account niya sa social media, nasa akin.

"Lahat ng account ko sa social media, nasa kanya.

"So kami, pumasok kami pareho sa relationship hindi para sa lokohan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Seryosong usapan."

Gaano tumagal ang ligawan? Tanong ng PEP sa dalawa.

Sagot ni Dan, "Walang ligawan na nangyari."

Dugtong naman ni Louise, "Umamin lang siya sa akin."

Singit ni Dan, "Sobrang close kami, sobrang masaya kami. Sakayan kami ng trip. Kung ano ang trip niya, trip ko rin.

"Basta nagkakasundo kami sa lahat ng bagay."

September 22 nang maging opisyal ang kanilang relasyon; August 31 sila nagkakilala.

Sa mga magkokomentong mabilis ang mga pangyayari, ani Louise, "Pero feeling namin, yung sa kanya, parang pakiramdam namin ang tagal-tagal na naming magkakilala.

"Tapos, yung two months na relasyon namin, parang years na.

"Sobrang mas kumportable."

LAST STRAIGHT RELATIONSHIP. Bago pumasok sa lesbian relationship si Louise, naging boyfriend niya ang brother ng Sexbomb member na si Aira Bermudez.

Tumagal ang kanilang relasyon ng limang taon.

Nakipag-live in rin siya rito.

Anong nangyari sa limang taon nilang pagsasama?

Sagot ni Louise, "May mga bagay na hindi puwedeng i-work out kahit anong gawin mo.

"Pag may lamat na kasi, mahirap na.

"Nandoon pa lang ako sa relationship, nagmu-move on na ako.

"Kasi alam kong walang future.

"So para sa akin, bakit pa ako magtatagal sa gano'ng klaseng relasyon kung hindi ka na masaya."

Saan niya ilulugar ang sarili niya ngayong may karelasyon na siyang lesbian?

Nakangiti niyang tugon, "Babae na nagmamahal ng babae."

Dati pa raw nakakaramdam ng atraksyon si Louise sa kapwa niya babae na mukhang babae at hindi gaya ng kasintahan niya ngayong mukha talagang lalake.

Paliwanag pa niya, "Kasi siya [Dan], hard butch siya, e.

"Dati alam ko na yun.

"Pero yung relationship ko sa gaya niya, first and last ko na."

FREEDOM. Ang bagong short hairstyle ni Louise ngayon ay hindi bilang paglaladlad sa kanyang pagkatao kundi pagpapahiwatig na malaya na siya sa kanyang grupo.

Ayon kay Louise, "Yun yung parang freedom ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For thirteen years, dapat iisa lang kayo ng kulay ng buhok.

"Same length lang kayong lahat, diet nang diet.

"So noong nag-resign na ako nong last week ng May, nagpagupit na ako."

GOING PUBLIC WITH REVELATION. Desisyon raw ni Louise na ilantad na sa LGBT ang kanilang relasyon.

Aniya, "Siya [Dan], ayaw niyang i-out, kasi baka raw kasi masira ang pangalan ko.

"Sabi ko, hindi.

"Kasi kung mahal ka talaga ng mga sumusuporta o ng mga fans mo, kahit anong gawin mo tanggap ka nila.

"So, kung may magba-bash man, hindi ko mga followers yun.

"Nagulat siya no'ng pinost ko sa Lesbian Thoughts, page yun ng LGBT, 'etong October 2 lang.

"So, ang daming nag-share, ang dami ring nag-bash.

"Akala niya pag nasa mall kami, hindi ko siya hahawakan. Pero mas clingy ako.

"Kasi sinasabi niya sa akin na, 'Tomboy lang ako.'

"Sa akin kasi, hindi ko siya nakikitang tomboy. Sa kanya ako masaya, e."

NEXT LEVEL. Alam na ba ng kanilang pamilya?

Sabi ni Louise, "Ipinakilala ko na nga siya sa family ko, e. In-embrace siya ng pamilya ko, tanggap siya.

"Na-meet na rin siya ng mga seniors ko sa Sexbomb, doon sa wake ni Direk Ruel [Ikamen].

"Nakilala na siya nina Jopay, Sunshine, Mia, Rochelle??halos lahat. Si Ate Aira hindi pa, kasi nasa States siya nun, e.

"Kababalik pa lang niya ngayon sa Pinas.??

Malaki raw ang kaibahan ng napagdaanang relasyon ni Louise sa isang tunay na lalake at sa pakikipagrelasyon niya ngayon sa isang tomboy.

Ayon pa sa kanya, "Sobrang malayo sa lahat ng bagay. Kasi pareho kaming babae.

"Alam niya kung saan ako maiinis, saan ako matutuwa.

"Parang alam niya yung kiliti ko agad kahit two months pa lang. Sa lahat ng bagay, alam mo na yun!??

Isa raw sa mga plano nilang dalawa ay ang pagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Louise, "Hopefully, next year, sa anniversary namin or birthday ko."

Napag-usapan na rin daw nila ang posibleng pagkakaroon nila ng anak.

"Magbubuntis kami pareho, actually," sabi ni Louise.

Dugtong pa niya, "Ang gusto niya kasi sa kuya niya, hihingi lang kami ng sperm, ganun din ako.

"Pero parang wala sa pinsan kong mga guwapo."

Dagdag na paliwanag ni Dan, "Parang yung egg cell niya at yung sperm ng kuya ko.

"Yung egg cell ko sa akin at yung sperm galing sa side niya, para pareho naming kadugo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN