Jeric Gonzales grateful to Marvin Agustin for advising him to try his luck at GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales says he owes a part of his showbiz career to Marvin Agustin, whose advice led him to Protege, GMA's defunct artista search, where he emerged as the grand male winner.


Malaki pala ang nagawa ni Marvin Agustin kaya nakapasok sa GMA-7 ang young Kapuso male star na si Jeric Gonzales.

Si Jeric mismo ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa taping ng Oh, My Mama! sa Old Balara sa Quezon City.

Aniya, “Yung manager ko, si Tito Archie [Ilagan], ano siya talaga, sa ABS-CBN kasi ex-manager siya ni Bea Alonzo.

“Tapos, dun niya ako dinala sa ABS una.

“Dun talaga dapat ako.

“E, saktong wala dun si Mr. M [Johnny Manahan], so hindi ako nagkaroon ng chance.

“Hindi ako nagkaroon ng unang step na yun.

“So ayun, nung pauwi na kami, ni-reschedule na lang, balik na lang ulit."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakatagpo sila ni Marvin Agustin, na noon ay may production and talent management company, and MediaNation.

Pagpapatuloy ni Jeric, “Pagbaba ko dun sa ABS, nakita namin yung parang assistant ni Marvin Agustin.

“So, that time si Marvin Agustin, may management...

“So, dinala ako dun, sabi, ‘Dun ka na lang [GMA], kasi marami nang artista dito [sa ABS],’ sabi nung assistant.

“Dinala ako kay Marvin 'tapos ayun, nagustuhan ako ni Marvin.

“Then, sabi ni Marvin, ‘Merong reality show sa GMA na sa tingin ko ikaw ang mananalo. Kayang-kaya mo ‘to!

"So, dun ka, dun ka papasok.’”

THANKFUL. Si Marvin ang dahilan kaya nakasali at eventually ay nanalo si Jeric, along with Thea Tolentino, sa Protege: The Big Artista Break na artista search ng GMA Network noong 2012.

Patuloy niya, “Ano siya, kasi kaibigan siya ni Tito Archie, so si Tito Archie…

“Nakinig sa kanya si Tito Archie kaya dinala ako sa Protege.

“So ayun na, tuluy-tuloy na, so tingin ko talagang destined ako sa GMA.”

Hindi raw siya napasok bilang talent sa management company ni Marvin.

“Hindi, parang tinulungan lang talaga ako,” paglinaw niya.

Matagal na raw niyang hindi nakikita o nakakausap si Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik-tanaw niya, “After kong manalo, nakausap ko pa siya.

“Ayun, masayang-masaya daw siya 'tapos… sobrang ano kasi ni Marvin e sobrang business-minded. and then naisip niya kaagad yung mga plan para sa career ko, mga advice.”

LOYAL KAPUSO. Thankful si Jeric sa pagkapanalo niya sa Protege at sa pag-aalaga ng GMA sa career niya.

Kaya loyal Kapuso raw ito.

Co-managed si Jeric ng GMA Artist Center at ni Archie.

Paano kung halimbawang nagtapos na ang kontrata niya sa GMA at sabihin sa kanya ni Archie na ililipat na siya sa ABS?

“Mukhang hindi kami magkakasundo dun kasi ayun nga, dito ako galing, e.

"'Tsaka wala namang reason para umalis ako dito.

“Solid Kapuso ako, hindi ako pinapabayaan ng GMA,” pagmamalaki ni Jeric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN