Inah de Belen feels sad anticipating first Christmas without her late Lola Susan

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen feels sad anticipating her first Christmas without her lola Susan de Belen, who passed away last March: "Wala pang one year and magki-Christmas na, so ito yung first Christmas na wala siya. Kasi yung lola ko, every Christmas, talagang all-out siya sa pag-aasikaso. My lola kasi, she's always there. And siya talaga yung glue ng family, so it's very hard na wala siya."


Iba ang magiging Christmas celebration ng pamilya ni Inah de Belen ngayong taon.

Wala na kasi ang maternal grandmother niyang si Susan de Belen.

Sumakabilang-buhay noong Marso 19 ng taong kasalukuyan ang ina ni Janice de Belen dahil sa organ failure.

Read: Janice and Gelli de Belen's mom Susan passes away

Pagbabalik-tanaw ni Inah, “Last year kasi, ang ginawa namin, December 24 sa dad namin, tapos December 25 sa mom’s side ko.

“Ngayon kasi, ito yung first Christmas na wala yung lola ko, so sa 24, magsasama kaming lahat, mom’s side.”

From December 25 to 30 naman daw ay kasama nila ang kanyang ama na si John Estrada.

Hindi pa raw sila lubusang nakaka-move on sa pagkawala ng lola niya.

Pag-alala ni Inah, “May isang time, kasi nag-Korea kami, tapos bumalik kami November 4, so hindi kami nakapag-visit sa sementeryo [noong November 1].

“November 5, pumunta kami [sa sementeryo], tapos dun ko lang ulit nakita yung mommy ko umiyak.

“Siyempre, it’s still new.

“Wala pang one year and magki-Christmas na, so ito yung first Christmas na wala siya.

“Kasi yung lola ko, every Christmas, talagang all-out siya sa pag-aasikaso.

“My lola kasi, she’s always there.

“And siya talaga yung glue ng family, so it’s very hard na wala siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa taping ng pinagbibidahan niyang afternoon drama series sa GMA Network, ang Oh, My Mama!, sa Old Balara, Quezon City.

OH, MY MAMA. Ang pagkawala raw ng lola ni Inah ang isa sa mga pinaghuhugutan niya ng emosyon sa dramatic scenes niya sa Oh, My Mama!

Malungkot din si Inah na magtatapos na ang Oh, My Mama! ngayong linggo.

Aniya, “Kasi lahat naman kami dito sobrang close... na parang nag-build kami ng family dito.

“It’s because of the story also and para kaming family talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel like... kasi siyempre halos every day ang taping namin, so I feel like this is my second family.”

Sino ang pinaka mami-miss ni Inah sa pagtatapos ng show nila?

Ano ang mami-miss niya sa kanyang leading man na si Jake Vargas?

Sagot niya, “Yung ano niya, kasi sobra niyang gentleman.

“E, kasi si Jake, minsan makulit siya tsaka sobrang gentleman niya. Sobra.”

Ikinalungkot din ni Inah na hindi aabot ng Pasko ang taping nila para sa Oh, My Mama!

Aniya, “Oo nga, e!

“Tsaka yung show kasi is about family, so just in time for Christmas, kaya lang… oo nga, sayang hindi siya aabot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN