Gabbi Garcia elated over "Kapuso princess" tag: "Nakakakilig!"

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia feels elated about being named one of the Kapuso network's princesses: "Ay, wow! Nakakatuwa! Nakakakilig! Nakakakilig po dahil ang pagiging isang artist ng GMA... Iba sa feeling, kasi finally parang slowly you're making your name na rin, and parang humble beginnings din po."


Sa ginanap na presscon para sa upcoming debut ni Gabbi Garcia ay in-introduce si Gabbi bilang isa sa mga prinsesa ng GMA Network.

Reaksiyon dito ni Gabbi, “Ay, wow! Nakakatuwa! Nakakakilig!

“Nakakakilig po dahil ang pagiging isang artist ng GMA, ako, loyal akong Kapuso.

“Ever since I entered showbiz, I started with GMA na talaga, and to be called one of their princesses, parang…

“Iba sa feeling, kasi finally parang slowly you’re making your name na rin, and parang humble beginnings din po.

“Soon, sana talagang mapanindigan na talaga natin yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi sa presscon para sa kanya ng GMA noong Huwebes, November 17, sa Le Reve Events Place sa Quezon City.

Gaganapon naman ang kanyang debut party sa December 6 sa Marriott Hotel.

LIFESTYLE CHANGES. Dahil malapit nang mag-18 anyos si Gabbi, ano ang mga pagbabago sa buhay niya bilang isang ganap na dalaga?

Halimbawa, wala na ba siyang curfew o puwede na ba siyang gumimik sa gabi kasama ang kanyang mga kaibigan na walang chaperone?

Natatawa niyang sagot, “Wala namang masyadong changes!

“Kasi ako, nirerespeto ko yung parents ko.

“Kung ano pong gusto nila for me, if ano po yung mga rules nila, kung ano po yung mga dapat kong gawin, mga do’s and don’ts ko, so bahala na po sila.

“Ako, I will not judge or hindi ko po papakialaman kung ano pong gusto nila for me.

“Susunod na lang po ako.

“Pero ngayon naman po, nakakalabas naman na po ako with friends, like, right now, may best friend ako.

“Nandiyan si Mikee, minsan nakakalabas kami with Ruru, so masaya pa rin.

“Sana pag-eighteen ko, ganun pa din!”

Sina Mikee Quintos at Ruru Madrid ay mga kasama ni Gabbi sa Encantadia.

May pagkakataon na bang lumabas sila ni Ruru na silang dalawa lamang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gabbi, “Kaming dalawa lang?

“Ay, hindi pa po. Never pa po na kaming dalawa lang.

“It’s either kasama ko po yung sister ko or si Mikee, or may kasama po kaming handler, ganyan.

“Pero yung kaming dalawa lang talaga ang lumabas, hindi pa po.”

Ngayong eighteen na siya, puwede na kayang silang dalawa lang ang lalabas?

“Kaming dalawa lang? Ah, pag-iisipan ko!” at muling tumawa si Gabbi.

“Hindi… ano po. Ewan ko. Ayoko din po ng kampante, e.

“Dapat trabahuhin niya yun, kung gusto niyang lumabas na kaming dalawa lang.”

Ang pagde-debut ay masasabing nangangahulugan ng freedom para sa isang babae.

Base sa puntong ito, ano ang kalayaang nais makamit ni Gabbi?

“Wala pa naman, kasi I still live under the roof of my parents...

“So I don’t wanna disrespect them, na porke't eighteen na ako, I could do anything I want to do.

“So, as long as I live under the roof of my parents, I'll follow them,” diin niya.

KAPAMILYA GUESTS. Samantala, sa debut party ni Gabbi ay may dalawang Kapamilya stars siyang inimbita: sina Julia Barretto at Kathryn Bernardo

Pagkumpirma niya, “Yes, si Julia, kasi close friend ko talaga si Julia.

“So, surely she’ll be there. She’s part of the eighteen candles.

“And nag-confirn naman siya sa akin na pupunta siya.

“Si Kath, I think she’s busy yata sa sked na yun, kasi medyo late advise na rin.

“Iyon lang naman. Si Kath at si Julia, pero si Julia ang sure talaga na pupunta.

“And yung ibang stars rin na nakasama ko way back before.

“Like, hindi naman sila exclusive sa ABS, like sina Ms. Ayen [Munji-Laurel], ganyan.

“Pero yung exclusive talaga sa Star Magic is si Julia, she’s sure na pupunta.”

UNFORGETTABLE MILESTONE. Ano ang pinaka hindi niya malilimutang milestone ng teen years niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Gabbi, “Siguro yung pagpasok ko ng showbiz. Talagang one big step siya sa akin, e.

“Isang big change sa life ko nung nag-enter ako ng showbiz.

“I didn’t expect na it would come this early so…

“Ever since kid ako, I see myself na parang…

“Gusto kong mag-debut, so pag minsan nga, pag dumadaan kami sa isang events place, kami ng mom ko, I would always tell them na, ‘Mommy magde-debut ako!’

“They would tell me, before na hindi pa ako artista na, ‘Hindi natin kaya, it’s too expensive. Gusto mo, mag-travel na lang tayo together with the family,’ ganyan.

“I would always them them na, ‘Hindi, kaya ko ito!

“Ako ang magpapa-debut para sa sarili ko.’

“So ayun, true enough, parang natupad ko yung dream na yun, so isa talaga sa milestones ng life ko.

“Yung parang stepping from a regular teenager to an artista, and then finally making my dream, seeing my dream na unti-unting napupuntahan ko iyon.

“And isang malaking, parang milestone siya sa akin.

“Unbelievable! It feels so surreal pa rin, being in my place right now,” pagpapasalamat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN