Jean Garcia reveals her worries about having another relationship

IMAGE Noel Orsal

Jean Garcia on having a relationship: "Alam mo, pinagpi-pray ko na kung hindi rin lang naman, Lord, na merong para sa akin, okey na ako. Kaysa naman na eto na naman, meron namang pakikisamahan yung mga kids ko at matutunan na naman nilang mahalin, 'Nandito siya para sa mommy ko, tapos hindi na naman.'"


Aminado si Jean Garcia na nakikipag-date siya sa ilang manliligaw niya ngayon.

Pero base na rin sa deskripsiyon ng aktres, malayo ang pagkakaiba ng pakikipag-date niya ngayon kumpara noong kabataan niya.

Paliwanag ng 47-year-old actress, “Yung dating kasi before, more on pa-cute-pa-cute.

“Eto ngayon is more on may pag-uusap na nang malalim. Getting to know each other.

“At sa isang gabi, ang dami na ninyong napag-usapan.

“Noon kasi, parang nood-nood lang ng sine. Walking in the park.

“Ngayon, hindi, dinner-dinner. Tapos, wine-wine, cocktail drinks.

“Ang dami ninyong napag-uusapan.

"And at the end of the night, ay, nakilala ko na siya for one night lang."

Hindi masabi ni Jean kung napaso na siya sa pakikipagrelasyon, lalo’t ilan na rin ang pinagkatiwaalan niya ng kanyang puso.

Dalawa sa mga ito ay nagkaroon siya ng lovechild.

Ang panganay niyang si Jennica, na ngayo’y may sarili nang pamilya, ay anak ng aktres sa dating aktor at kasamahan sa That’s Entertainment na si Jigo Garcia.

Ang bunso naman niyang si Kotaro ay anak ni Jean sa isang Japanese na kanyang naging business partner sa itinayo niyang restaurant noon.

Bakit sa edad niyang 47 ay wala pa rin siyang bagong boyfriend na masasabing pangmatagalan na?

Paliwanag ng aktres, “Hindi takot, e. Mas experienced ka kasi.

“May mga learning lesson na natutunan. So, very careful ka.

“At the same time, ayaw mo na namang ulitin uli yung mga pagkakamali mo noon.

“Pero risk pa rin palagi ang pagkakaroon ng love life.

“Kasi minsan, lahat naman ng lalaki, okey sa umpisa.

“Ang tanong, kung talagang mamahalin ka talaga.

“Kasi, hindi enough yung may gusto siya sa iyo or sinabi niyang mamahalin ka niya.

“Negative-positive, through thick and thin, dapat magkasama kayo.

“Kung isa lang, hindi, magwu-work ka.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jean sa nakaraang presscon ng pelikulang Mano Po 7: Chinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JEAN’S FEARS. Ano ang kinatatakutan niya kapag nagkaroon siya ulit ng relasyon?

Tugon ni Jean, “Yung posibleng mangyari uli na hindi na naman kami meant for each other.

“Parang nagsayang na naman ako ng oras ko.

“Ipinakilala ko na naman sa mga anak ko, tapos eto na naman, mawawala na naman.

“Tapos, sasabihin na naman nila, ‘Mom, what happened?’

“Siyempre, hindi lang naman ako ang nag-i-invest ng pagmamahal sa karelasyon ko, even my whole family.”

Dagdag pa niya, “Alam mo, pinagpi-pray ko na kung hindi rin lang naman, Lord, na merong para sa akin, okey na ako.

“Kaysa naman na eto na naman, meron namang pakikisamahan yung mga kids ko at matutunan na naman nilang mahalin, ‘Nandito siya para sa mommy ko, tapos hindi na naman.’

“Kasi, the kids are getting older na. So, parang mahiya din lang naman ako.

“Siyempre, I considered yung kanilang emotions, hindi lang yung emotions ko.”

NO MORE BABY. Kung sakaling papasok uli sa relasyon si Jean, ayaw na raw niyang magkaroon pa uli ng anak.

“Ayoko na! Hindi na.

“Siguro mag-adopt puwede pa, pero yung mag-baby pa uli, hindi na siguro.

“Well, one reason is it’s too late na rin…

“Well, parang hindi na lang din, kasi ang dami namang Hollywood stars na nagkaka-baby. Well, that’s in Hollywood.

“The thing kasi, parang hindi na siguro...”

Sabi pa ni Jennica, “Saka ano naman ang sasabihin ni Jennica pag nag-baby ako?

“Parang mas matanda pa si Mori [her granddaughter] kaysa sa magiging baby ko, di ba?

“Kung sabagay, parang yung sa Father of the Bride, nagsabay silang magbuntis nung anak niya.

“But, the thing is, parang funny.

“At sa mga ginagawa ko, parang wala na akong oras.

“Papahinga lang nang konti, trabaho na uli.

“Kasi may kontrata ako sa GMA-7, that’s one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, may restaurant ako.”

Malinaw raw sa mga nanliligaw kay Jean ang pagnanais niyang hindi na magka-baby uli.

Saad ng Kapuso actress, “Kasi hindi naman sila manliligaw or makikipag-date at magtatapang na…

“Alam mo, yung mga nagdi-date sa akin, matapang-tapang lang. Kasi yung iba, nai-intimidate sila.

“Pag may nanliligaw sa akin, niloloko sila ng friends ko na, ‘A, puwede, matapang.’

“Kasi usually, meron akong friend na friend niya.

“Sasabihin, ‘Gusto niyang makipag-date sa iyo, kaya lang intimidated, kaya group date lang. Kasi nga, baka masungit.’

“Once na makilala na nila ako, pinu-pursue na nila.

“Pero there are men na talagang medyo naiilang.

“Kilala naman nila ako. I-Google lang nila ang name ko, lalabas naman lahat doon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN