Gina Alajar believes MMFF 2016 will suffer at the box-office without Vic, Vice movies

IMAGE Noel Orsal

Gina Alajar on MMFF: "Ilang years na akong may movie entry sa MMFF and I know yung mga pelikulang pinapasok at hindi. Lalo na ngayon, gusto ng mga bata ay comedy movies nina Vic Sotto and Vice Ganda. Or kahit yung mga star-studded drama and horror movies ng Regal Films. Yung nakaka-entertain sa buong pamilya."


Kabilang ang award-winning actress at TV director na si Gina Alajar sa nagulat sa mga napiling walong official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa actress-director, baka may gustong patunayan ang mga nakaupo sa screening committee ng MMFF ngayon taon kaya karamihan ay indie films ang napili nilang maging official entries.

Read: MMff 2016 official entries revealed

“Actually, hindi ko alam kung ano ang trip nila.

“Hindi kasi ako aware sa ano ba yung bagong criteria nila o kung ano ang panlasa nila ngayon.

“Siguro meron lang silang gustong patunayan this year.

“Gusto nilang makita kung uubra sa audience ngayon yung mga napili nilang mga entries, which are all indie films.

“Ngayon, kung nag-fail sila sa intensiyon nilang ito, for sure hindi na nila uulitin yun.

“I’m not saying na may ginawa silang mali or anything. They just want to prove something at tingnan natin kung magwu-work yun.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa grand launch ng Rene Mouris watches, sa grand ballroom ng City of Dreams, noong November 27.

MMFF ENTRY. Pinasok din sa pagpipilian na entries sa MMFF ngayong taon ang pelikulang kinabibilangan ni Gina, Ang Pastor.

Mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr., kasama ni Gina sa cast sina Phillip Salvador at Rosanna Roces.

Ayon kay Gina, “Pero itong movie namin ni Ipe, tapos na tapos na siya.

“Bago pa man ang deadline noong November 2, buo na yung movie.

“Hindi lang kami siguro sinuwerteng makapasok sa Magic 8.”

Patuloy niya, “In fairness naman sa mga pumasok, mukhang magaganda lahat ng mga stories nila.

“I guess, isa sa criteria nila ay yung laman ng movie.

“Hindi kasi sila commercial movies, like the movies of Vic Sotto or Vice Ganda.

“I just don’t know how the audience will react to these movies, especially na ipapalabas sila on Christmas Day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ring pelikula si Gina na naging MMFF entries, tulad ng Moral, Ano Ang Kulay Ng Mukha Ng Diyos?, Bukas May Pangarap, Bulaklak sa City Jail, Andrea Paano Ba Ang Maging Isang Ina?, Shake Rattle & Roll, Jose Rizal, Sa Piling Ng Aswang, Bahay Ni Lola, Singsing Ni Lola, Mano Po, at Ang Agimat: Anting-Anting ni Lolo.

Nakapag-uwi na rin siya ng dalawang acting awards mula sa MMFF: Best Supporting Actress for Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? in 1990 at Best Actress for Shake, Rattle & Roll IV: Madre in 1992.

Kaya alam na raw Gina ang mga pelikulang papasukin ng mga tao tuwing Kapaskuhan.

Saad niya, “Christmas kasi is a time for family to get together, lalo na ang mga bata. Gusto ng mga ‘yan na manood ng sine.

“Ilang years na akong may movie entry sa MMFF and I know yung mga pelikulang pinapasok at hindi.

“Lalo na ngayon, gusto ng mga bata ay comedy movies nina Vic Sotto and Vice Ganda.

“Or kahit yung mga star-studded drama and horror movies ng Regal Films. Yung nakaka-entertain sa buong pamilya.

“Kaya masaya ang mga producers kasi kumikita sila.

“Ngayon, with the entries na puro indie films, I doubt kung mari-reach nila yung target na kita ng MMFF this year.

“Or baka naman hindi na ang kikitain ang target nila kundi ang pagpapalabas ng quality films.

Dagdag pa niya, “In my opinion, kung may kikita man na movie sa MMFF this year, it would be Babae Sa Septic Tank 2 and Die Beautiful.

“Silang dalawa ang pakiramdam ko na papasukin.

“But I can be wrong. Hindi natin alam na baka naman may market naman yung iba.”

BALANCED. Kung sakaling naimbitahan daw si Gina na umupo bilang isa sa screening committee ng MMFF, gusto niya ay balanse ang pagpili sa magiging official entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang naman sa akin na may mga indie films.

“Pero hindi ko naman idi-disregard yung mga commercial films.

“Para balanced, di ba?

“May apat kang movies for general patronage where the kids can watch and enjoy at meron kang apat na pang-award naman.

“Pero nandiyan na ‘yan, e. Wala na tayong magagawa.

“Let’s just wait and see na lang sa opening day kung ano ang magiging result ng pagbabago nila sa MMFF.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN