Xian Lim denies warning Kim Chiu about falling in love with Gerald Anderson again

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on Kim Chiu's pairing with her ex-boyfriend Gerald Anderson: "It's a very good move para sa kanya... I'm very proud of Kim, ipinapakita niya ang versatility niya, e, kahit sinong leading man niya—Piolo [Pascual], Sam Milby..."


Itinanggi ni Xian Lim na binalaan niya ang ka-love team na si Kim Chiu na huwag ma-in love ulit sa dating boyfriend nitong si Gerald Anderson ngayong magsasama sila muli sa isang teleserye.

Bago nabuo ang love team nina Kim at Xian (KimXi) ay naunang naipareha ang Kapamilya actress kay Gerald, na nakilala bilang Kimerald.

Nauwi sa totohanang relasyon ang pagiging magkatambal nina Kim at Gerald.

Nang mag-break ang dalawa ay nabuwag na rin ang kanilang tambalan.

Pagkatapos nito ay nag-click naman sa mga manonood ang love team nina Kim at Xian.

Ngunit sa 2017 ay muling ibabalik ng ABS-CBN ang Kimerald loveteam sa primetime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Kaugnay nito, kumalat sa social media na pinaalalahan daw ni Xian si Kim tungkol kay Gerald.

Ngunit agad itong pinabulaanan ni Xian.

Pahayag niya, “Nabasa ko nga ‘yan sa twitter, kung sinuman ang gumawa ng istorya na ‘yan.

“Wala, walang ganun.

“Pag tungkol sa trabaho, hindi kami nakikialam sa decision ng isa’t isa. Basta walang ganun.”

Ayon pa kay Xian, proud siya kay Kim sa pagtanggap nito sa teleseryeng pagtatambalan nilang muli ni Gerald.

“It’s a very good move para sa kanya.

“I’m sure makakapag-produce ang ABS-CBN ng magandang project para sa kanilang dalawa.

“I’m very proud of Kim, ipinapakita niya ang versatility niya, e, kahit sinong leading man niya—Piolo [Pascual], Sam Milby...”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Xian sa Kapamilya Play-Off basketball game na ginanap sa MOA Arena noong Linggo, November 27.

Hindi ba nag-aalala si Xian na baka buwagin ang love team nila ni Kim kung kagatin muli ng publiko ang tambalang Kimerald?

Sagot niya, “Wala naman, it’s actually the management’s decision kung anuman ang mangyari.

“Pero for sure talaga, it’s a great project, mapa-Kimerald project, Coleen-Xian project, it’s gonna be a wonderful project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Kim ay itatambal muli kay Gerald, si Xian ay may bago ring kapareha sa susunod niyang proyekto—si Coleen Garcia.

Magtatambal sina Xian at Coleen sa isang pelikula na ipalalabas sa 2017, pero mapapanood muna sila sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Kuwento ng aktor, “We’re actually about to start yung MMK namin nagsisimula na.

“It’s actually our last taping day. That’s something to look forward to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN