Singer Maya not bothered by netizens comparing her to Geoff Eigenmann's ex-GF Carla Abellana

IMAGE Noel Orsal

Maya is in a happy relationship with the actor Geoff Eigenman, and her only wish is that people will stop alluding to his past with ex-girlfriend Carla Abellana: "Geoff has moved on and Carla has moved on na rin. It's better na maging happy tayo for them."


Ten months na pala ang relasyon ng singer na si Maya sa aktor na si Geoff Eigenmann.

Going strong daw ang pagsasama nila, pero ang problema, bina-bash ngayon ang singer nang maging public na ang relasyon nila.

First time daw ni Maya na ma-bash sa social media.

Karamihan daw ay kinukumpara siya sa ex-girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana.

Sabi ni Maya, “At first, medyo naapektuhan ako, kasi wala naman akong ginagawang masama.

“Never ko naman kinumpara ang sarili ko kay Carla, magkaiba kami talaga.”

Kung may kanta raw na ide-dedicate si Maya kay Geoff, ito ay ang "No One" ni Alicia Keys.

Wala raw siyang ibang mahal ngayon kundi si Geoff lamang.

Kaya ang mensahe si Maya sa mga nangba-bash sa kanya ay tanggapin nilang naka-move on na si Geoff.

“When I met Geoff, friends lang talaga kami, he was always watching my gigs.

“Plus pareho ang manager namin [Perry Lansigan], we somehow clicked and then the relationship suddenly happened.

“Sana ma-accept nila that Geoff has moved on and even Carla has moved on na rin.

“It’s better na maging happy tayo for them… sa totoo lang, I haven’t met Carla in person yet.

“Pero I would love to meet her, I see nothing wrong kung makikipagkilala ako sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maya sa launch ng Rene Mouris watches, sa City of Dreams, noong November 27.

MEET THE CLAN. Sa naturang event ay kasama ni Maya si Geoff at ang ina nitong si Gina Alajar.

Ayon kay Maya, maayos ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Geoff, lalo na ang ina nito.

“Ang bait po nila sa akin, si Tita Gina, she’s so cool, mabilis niya akong winelcome sa pamilya nila.

“Noong time na ipinakilala ako ni Geoff sa kanya, kinabahan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I already felt her warmth sa unang meeting pa lang, ang gaan kaagad ng loob namin sa isa’t isa.”

Magno-Noche Buena daw si Maya this Christmas sa bahay nina Geoff sa BF Homes, Paranaque.

“He wants me to meet the whole Eigenmann clan.

“I feel so blessed to have met Geoff and I am looking forward to meet everyone in his family.

“Sana po magustuhan nila ako,” nakangiting sabi ng singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN