Rochelle Pangilinan targets next year for her wedding to Arthur Solinap

IMAGE Noel Orsal

After postponing their wedding this year, Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap intend to push through with their wedding on the latter part of 2017. 


Hindi pa matiyak ni Rochelle Pangilinan ang petsa ng kasal nila ng kanyang fiance na si Arthur Solinap, pero baka sa susunod na taon na raw ito mangyayari.

“I think sa nararamdaman ko, next year na talaga.

"Kung anong month, di ko pa rin alam.

"Pero gusto ko malamig, e...

"Huwag naman December of next year. Masyado nang matagal.

"Siguro September o October.

"Basta gusto ko malamig talaga."

Siyam na buwan nang engaged ang Kapuso couple.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dancer-actress sa grand launch ng French-based Rene Mouris watches, na ginanap sa City of Dreams, noong Linggo, November 27.

BUSY SCHEDULES. Ayon pa sa former leader ng SexBomb Dancers, gusto sana ni Anthur na mangyari ang kasal pagpasok pa lang ng 2017.

“Actually, pinipilit niya kasi sa February [2017], pero actually dapat ngayong December.

"E, sabi ko, hindi na aabot kasi gusto naming dalawa, sabay kaming mag-prepare ng wedding.

"Kaya lang, siya, may show na M-W-F, and yung Thursday, nag-taping siya ng Oh My Mama at Pepito Manoloto.

"And ako naman, may Encantadia, so paano yun?

"E, matagal na ano yun.

"Pero this week, kakausapin namin ang manager naming si Mama Perry [Lansingan] para sa proseso at kung paano ang mangyayari kung ganito nga kaliit yung time para sa preparation."

WEDDING PREPARATIONS. Kahit papaano ay ibinahagi ni Rochelle ang ilang maliliit na detalye tungkol sa preparasyon ng kasal nila ni Arthur.

Aniya, "Pinag-uusapan pa rin namin.

"Actually, nauuwi ang lahat ng usapan sa simpleng wedding lang talaga.

"Yung intimate, pero sobrang saya. Yun ang naano namin.

"Garden [wedding] kami talaga.

"Sana mangyari yung gusto ko.

"Pag nagsalita na siya, so kailangan kong irespeto, and magmi-meet na lang kami half-way.

“Depende."

Ano naman ang pakiramdam ng isang babaeng ikakasal, lalo na't mahaba na rin ang itinakbo ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rochelle, "Oo, matagal...matagal na.

"Yung preparations kasi, mahirap, tapos nakasabay nga ng trabaho namin.

"Ayaw naman naming tanggihan, sino naman ang tatanggi sa trabaho, di ba?

"So, ayun.

"Pero kami namang dalawa, as long as nai-enjoy naman namin kung paano, okey lang kami.

"Hindi namin kami nagpupuwersahang dalawa."

PLANS AFTER THE WEDDING. Inusisa rin si Rochelle kung may plano na sila tungkol sa kanilang honeymoon pagkatapos ng kasal.

"Siya [si Arthur], kung hihilingin niya.

"Ako... I think so, dapat lang siguro kahit one month lang,” aniya tungkol sa pagkakaroon ng bakasyon.

"Ako kasi, wala naman akong laging hinihingi o hinihiling, e.

"Minsan, sa bahay o kung ano na ang nagagawa namin before, like beach o may maraming puno, okey lang ako dun basta relaxed."

Inihahanda na rin daw ni Rochelle ang kanyang sarili sa pagiging isang married woman.

Aniya, "Actually, pini-prepare ko ang mind ko sa pagiging wife.

"Kasi, kailangang masanay na hindi na sarili ang iisipin ko, dapat siya na at ang magiging kids.

"Dapat ganun na.

"At then, sinasabi ko sa kanya, sa sobrang pag-iisip ko na, 'O, beh, kailangan mong alamin kung ano ang screw driver o...'

"Yung mga ganung bagay na simple, pero alam kong every day namin 'yang mapapakinabangan.

"Andun kami sa prosesong ganun. Andun ako.

"So, kahit sa bahay, kung saan man kami, ang dami ko nang pini-prepare at inaayos.

"Kasi kapag nagpahinga ako, wala na akong iisipin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN