Jeric Gonzales admits inconsistency in his acting

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales on his peers who have moved to the rival network: "Pinag-isipan naman nila nang mabuti yun… step lang para sa career nila. Wala silang intensiyon na i-down yung network, wala silang masamang intensiyon. Career move lang."


May mga nagsasabing malaki na ang improvement ni Jeric Gonzales pagdating sa pag-arte, at may iba namang nagsasabi na kulang pa rin ang ipinapakita niyang husay.

Reaksiyon ng Kapuso young actor, “Dun po sa mga nagsasabi na nag-improve ako, masaya ako, kasi alam ko naman sa sarili ko na nag-improve talaga ako.

“Dun naman sa mga nagsasabi na hindi pa rin ako nag-i-improve, alam ko na may part pa rin sa akin na… kulang pa rin.

“Kasi, bilang aktor, para sa akin, yung pag-arte talagang hindi siya all the time na magiging consistent o perfect.

“Na pag nakita mong magaling yung isang tao, all the way magaling na siya.

“Meron pa ring mga times na may eksena magpe-fail ka, hindi okay.

“May mga eksena naman na talagang sobrang galing mo, ganun lang, e.”

Dagdag pa ni Jeric, “Tina-try kong gawin yun, nagwo-workshop ako para ma-perfect yung mga eksena, na talagang ibigay lahat.

“Yung consistency siguro, yung nakikita nila na hindi consistent; minsan okay, minsan hindi.”

Kung makakapili raw si Jeric ng role, mas gusto niyang gumanap ng salbaheng karakter.

“Kasi sabi nila, sobrang bait ko daw, sobrang bait nung mukha ko.

“Kaya natsa-challenge ako na umarte sa harap ng kamera na iba naman ang hitsura ko o iba ang karakter ko.

“Para hindi ako ma-typecast na tipikal na ganun lang, mabait lagi.

“Mas maganda meron ding pagkakaiba.”

LOYAL KAPUSO. Si Jeric ay produkto ng artista search ng GMA Network na Protege: The Big Artista Break noong 2012, kung saan sila ni Thea Tolentino ang nanalo.

Gaano siya ka-loyal sa GMA?

Tugon ni Jeric, “Sobrang loyal ako, kasi unang-una, dito talaga ako nagsimula, dito ako nanalo.”

Isa ring produkto ng artista search ng GMA-7, ang StarStruck, si Enzo Pineda na kamakailan lang ay lumipat sa ABS-CBN.

Ano ang masasabi ni Jeric sa paglipat ng ilang GMA artists sa ibang networks?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi ko alam kung ano ang totoong reason nila kung bakit sila umaalis.

“Pero sa tingin ko, pinag-isipan naman nila nang mabuti yun.

"Choice nila yun, step lang para sa career nila.

“Wala silang intensiyon na i-down yung network, wala silang masamang intensiyon. Career move lang.”

Samantala, isa si Jeric sa mga artista sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, December 3.

Tungkol ito sa buhay ng yumaong si Chef Hasset at ang mga kapatid nitong sina Rowden at Hisham.

Parehong tinamaan ng liver cancer ang dalawang nakatatandang kapatid, at ang bunso naman ay na-diagnose na may liver cirrhosis.

Kasama ni Jeric sa episode na ito sina Benjamin Alves, Glydel Mercado, at RJ Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN