Boobay out of intensive care and recovering

IMAGE Instagram

Boobay's partner Kent Juan Resquir says the Kapuso comedian is now out of the ICU and is fast recovering. Boobay was rushed to the ICU after suffering from acute stroke last Monday, November 28.


Nakalabas na ng Intensive Care Unit (ICU) at nailipat na sa regular room ang Kapuso comedian na si Boobay, ayon sa partner nitong si Kent Juan Resquir.

Matatandaang isinugod sa ospital si Boobay, Norman Balbuena sa totoong buhay, noong Lunes, November 28, dahil sa acute stroke.

Base sa updates ni Kent tungkol kay Boobay, sa St. Luke's Medical Center sa Global City, Taguig, naka-confine ngayon ang komedyante.

Read: Kapuso comedian Boobay rushed to ICU following stroke

Sa pakikipagpalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kent ngayong Biyernes, December 2, ibinahagi nitong nakalipat na sa regular room si Boobay kahapon, December 1.

“Nasa regular room na po siya. Kaka-transfer lang po kahapon.

“Recovery is fast po. Sana tuluy-tuloy na po paggaling niya.

“Thanks for all your prayers po,” sabi ni Kent.

Tinanong namin si Kent kung may mensahe ba si Boobay sa mga fans at nagmamahal sa kanya.

Pero ayon sa partner ni Boobay, “Hindi ko kasi mine-mention sa kanya na nasa news siya, baka mag-cause lang ng trouble.

“Baka iba pa maiisip niya and lalo mag-worry. Ayoko kasi dagdagan ang stress pa sa kanya.”

Pero tiyak daw na matutuwa si Boobay kapag nalaman nitong marami ang nagdarasal para sa kanya.

Sa kanyang Instagram account naman, ibinahagi ni Kent ang pag-uusap nila ni Boobay tungkol sa kagustuhan nitong bumalik na sa trabaho.

Pero pinaalalahanan ni Kent ang komedyante na kailangan muna nitong magpagaling bago tuluyang bumalik sa trabaho.

Aysus baby @boobay7.. Hindi ka pa magaling, work nanaman iniisip mo.. ????

A photo posted by Kent Juan Resquir (@kentjuanresquir) on

Samantala, sa isa pang post ni Kent, hiniling nito sa mga tagasuporta ni Boobay na ipagdasal ang agarang paggaling nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN