Gina Alajar enthusiastic about Julie Anne San Jose's radiant glow: "Blooming siya."

IMAGE Noel Orsal

Direk Gina Alajar can't help but notice Julie Anne San Jose's very evident glow these days: "Obviously, Julie is inspired. Alam mo naman kaming mga babae, kapag inspired, nakikita agad sa mga kislap ng mata or sa mga kilos at sa mga ngiti namin."

 


Ang award-winning actress and TV director na si Ms. Gina Alajar ang siyang direktor ng pinagbibidahang teleserye ng Kapuso singer-actress at Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Ang serye ay ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, na aabangan sa Kapuso network sa 2017.

Hango ito sa original na 1988 film na dinirek ni Ishmael Bernal at pinagbidahan noon nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Eddie Garcia, at Maricel Soriano.

Sa TV remake, gagampanan ni Julie ang naging role ni Lorna na Santina Marquez.

Kasama rin sa cast sina Benjamin Alves bilang Ephraim at LJ Reyes bilang Angeli.

Makakasama rin sina Martin del Rosario, Victor Neri, Ara Mina, at Jean Garcia.

BETTER ACTING CHOPS. Hindi raw ito ang first time na mahawakan ni Direk Gina si Julie sa isang teleserye.

“When I was directing Reel Love Presents Tween Hearts, twice na nag-guest doon si Julie, and she was okay.

“Medyo marunong na siyang umarte that time.

“Then, I directed two episodes for Buena Familia at siya rin ang isa sa mga bida roon. Okey na siya roon.

“Madali na siyang humugot sa mga eksena.

“Dito sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, mas mabibigat ang mga eksena niya, and she really delivers.

“May mga nakunan na kaming mga heavy scenes, and I am quite surprised kasi malaki ang improvement ni Julie sa acting department.

“The project is right for her and it will be aired in 2017.

“Hindi ko lang alam kung anong month. Pero I guess sa January na siya,” pahayag pa ni Direk Gina nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa event ng Rene Mouris Watches sa City of Dreams kamakailan.

BLOOMING. Hindi lang daw sa pag-arte nagkaroon ng improvement si Julie kundi pati na rin daw sa kalusugan at pangangatawan nito.

“Mas payat siya ngayon kesa dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, ang ganda-ganda ng aura niya ngayon.

“When I see her sa monitor, she’s very pretty.

“Like what I said, blooming siya,” diin pa niya.

Napansin pa ni Direk Gina na mas confident ito ngayon. Hindi tulad noon na mapapansin mo ang pagiging mahiyain nito.

“Julie is more confident now with herself, I mean physically, and the way she performs, malaki ang improvement.

“Obviously, Julie is inspired.

“Alam mo naman kaming mga babae, kapag inspired, nakikita agad sa mga kislap ng mata or sa mga kilos at sa mga ngiti namin.

“Nakikita ko kay Julie na she’s happy with what’s happening to her now.

“I don’t know kung in love ba siya or kung may nagpapangiti sa kanya ngayon.

“If she is in love, then maganda—nakakatulong sa kanya.

“Sino ba? Si Benjamin ba? As if hindi ko alam, 'di ba?” sabay tawa niya.

GOOD ONSCREEN CHEMISTRY. Maganda raw ang chemistry nina Julie and Benjamin at mapapatunayan daw nila ‘yan sa kanilang teleserye.

“Bagay silang dalawa.

“Ako mismo na-surprise ako sa chemistry nilang dalawa.

“Iba kasi talaga kapag nagkakasundo kayo, 'di ba?

“Makikita mo agad yung spark sa kanila.

“Hopefully naman, their team-up would be successful.

“Sa totoo lang, wala akong problema sa kanilang dalawa and even with the whole cast.

“Magaan silang katrabaho.

“Yung hindi mo na sila tututukan nang husto kasi alam na nila ang gagawin nila sa unang instruction mo pa lang sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN