Paolo Ballesteros denies drinking-problem rumor

IMAGE Noel Orsal

Sa wakas ay nagsalita na si Paolo Ballesteros tungkol sa isyung diumano'y alcoholic siya. Mariin niya itong pinabulaanan, ngunit inamin niyang minsan ay nakikisama at napapatagay sa mga barangay na pinupuntahan nila sa Eat Bulaga.


Binasag na ni Paolo Ballesteos ang katahimikan tungkol sa kanyang anim na buwang suspension sa Eat Bulaga, mula Marso hanggang Agosto ngayong 2016.

Disciplinary action daw ito ng TAPE Inc., ang producer ng longest-running noontime show sa bansa, dahil sa hindi magandang nangyari sa Subic noong ginanap ang Ad Summit 2016 nang nakaraang Marso.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?

Muling napanood si Paolo sa Eat Bulaga! noong September 5.

Read: Paolo Ballesteros returns to Eat Bulaga!

Sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 official entry na Die Beautiful kagabi, December 5, inusisa ng media si Paolo kung ano ang mga na-realize niya sa loob ng anim na buwang pagkawala sa noontime show.

Saad ng 2016 Tokyo International Film Festival Best Actor: “Self-realization na you really have to… na kailangan hindi mo i-take for granted ang work mo.

“Even though ang tagal-tagal mo na nagtatrabaho, you have to love your work. Kahit anong mangyari, kailangang mahalin mo yang trabaho mo.

“Ke pagod ka... lahat tayo napapagod. Basta ang importante, you should know your priorities kumbaga. Ganun.

“And yun nga, gaya ng sinabi ko, na I’ve been with Eat Bulaga! for sixteen years, and it has been my priority ever since.

“So, ayun.”

RUMORS & SPECULATIONS. Kasabay ng pansamantalang pagkawala ni Paolo sa Eat Bulaga, naglabasan ang ilang isyu tungkol sa kanya.

Una na rito ay naging problema raw siya sa produksiyon ng noontime show.

Pero mariin itong itinanggi ni Paolo.

Pahayag niya, “A, kasi nga, sabi ko, I’ve been with Eat Bulaga! for sixteen years.

"I don’t think na tatagal naman ako ng sixteen years kung I’m a problem to the show.

“Kasi, ang working environment namin sa Bulaga is like we’re a family, e, di ba?

“Sabay-sabay kumakain, parang we’re getting paid to eat lunch, have lunch with each other, mag-announce ng mga winners, makatulong... la-la-la.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I don’t think 16 years… matatagalan mo yung 16 years na…

"Yun nga, kapag may nagawang mali, kailangan mong pagsabihan, kailangan mong matuto.

"Otherwise, you’re not gonna grow, you’re not gonna improve yourself."

Ginanap ang presscon ng Die Beautiful sa Valencia Events Place, Quezon City, Lunes ng gabi, December 5.

ALCOHOLIC? Kasunod na inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay kung totoo ba ang nagsilabasang isyu na umiinom siya habang nasa location ng Eat Bulaga! bago pa man siya masuspinde.

Pinabulaanan din ito ni Paolo.

Saad niya, “No... kasi, di ba, ang show namin usually nasa barangay kami?

"We’re one with the barangay people ng mga barangay na pinupuntahan namin.

“We’re not the kind of hosts or actors na pag nandun sa isang barangay, bawal magpa-picture, ganyan, of course not.

“The more na nakapag-reach out kami to everyone, mas masaya.

"Masakit, kasi minsan nakukurot, nakakalmot ka, but that’s part of it.

“Yung mga bouncer [para pipigilan ang mga tao], sasabihin ko na, 'Okay lang ‘yan, makikipag-shake hands lang ‘yan, e.'

“Kaya lang, alam mo naman tayong mga Filipino, tanghali pa lang, umiinom na…”

Naiimbitahan ba siyang tumagay?

Pag-amin ni Paolo, “Oo, hindi mo maiiwasan yun, ‘O, shot.’

“Kasi nagkakatuwaan yung mga tao sa barangay. Halimbawa, may birthday, ganyan.

"Anong gagawin mo, di ba? Okay lang naman.”

So, napapatagay siya?

Sagot ni Paolo, “Pag merong ganyang nagpapa-shot or ganun.

"Halimbawa, may birthday, I know naman na I’m a responsible person.

"Like, what I have said, I’ve been with Eat Bulaga for sixteen years, I know kung hanggang saan lang…

"Siyempre hindi naman ako makikipag-inuman na malalasing ako na hindi ako makakapag-perform nang tama.

"I know that I’d be seen on TV, bawal talaga yun.”

Masasabi ba niyang hindi siya alcoholic?

Diin niya, “Of course not. I’m not alcoholic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have a friend na alcoholic na namatay na.

"And I’ve seen him become an alcoholic na paggising sa umaga, beer agad.

"That’s not me."

Huling tanong ng PEP: Totoo bang nagbabaon siya ng beer na nakalagay sa water tumbler sa location ng Eat Bulaga?

Itinanggi rin ito ni Paolo.

Aniya, “Of course not. Of course not. Hindi totoo yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN