Mika dela Cruz explains decision to leave ABS-CBN and move to GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Mika dela Cruz on playing kontrabida on her first regular show as Kapuso: "Sa akin, kahit anong work naman, hindi naman ako maarte. Mas masaya actually ang kontrabida, para sa akin mas may dating po iyon."


Ipinaliwanag ni Mika dela Cruz ang dahilan ng pag-alis niya sa bakuran ng ABS-CBN para lumipat sa GMA Network.

Saad niya, “Hindi po ako pinabayaan, hindi sa hindi ako masaya.

“Kasi never naman akong nawalan ng work sa ABS, inaalagaan naman nila ako.

“Tsaka lahat naman ng project na ibinigay nila sa akin, laging maganda at challenging yung role.

“Kaya lang, siyempre nagkakaedad na rin ako, mag-e-eighteen na ako.

“Kumbaga, panibago naman. Gusto kong mag-explore, gusto ko panibagong mundo naman yung maano ko.

“And siyempre, andun yung ate ko.”

Ang tinutukoy ni Mika ay ang Kapuso actress na si Angelika dela Cruz.

Si Angelika ba ang “humila” sa kanya papunta sa GMA-7?

“Hindi naman, hindi naman,” tanggi ng young actress.

Tatlong taon ang kontrata ni Mika sa GMA Network.

Co-managed siya ng PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan at ng GMA Artist Center.

NOT BURNING BRIDGES. Nilinaw ni Mika na maayos ang naging pag-alis niya sa ABS-CBN.

“Yes! Sobrang okay po, nagpaalam po ako. Ni-release po ako nang maayos.”

Tapos na raw ang kontrata niya sa Kapamilya network at Star Magic nang umalis siya.

“Yes, of course. Siyempre ayoko namang mag-burn ng bridges.

“Pero nagpaalam ako nang maayos kay Ms. Mariole [Alberto], kay Mr. M [Johnny Manahan].

“Dinalaw ko sila, nagpaalam ako nang maayos.

“And actually, nung nagpaalam ako, alam na nila.

"Alam na nila yung balak namin and sabi naman nila kung saan ako maggu-grow.

“And then, anytime na gusto kong bumalik, always welcome naman sila.

"So, wala pong naging problema, wala kaming problema.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mika sa Philippine launch ng French luxury timepieces/watches na Rene Mouris, sa grand ballroom ng City of Dreams Manila, noong November 27.

KONTRABIDA ROLE. Sa Enero ay mapapanood na si Mika sa pinakauna niyang regular show sa GMA-7, ang primetime series na Meant To Be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbibidahan ito ng GMA Tween Queen na si Barbie Forteza at apat ang leading men niya: sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at ang newcomer na si Addy Raj.

Si Mika ang magiging kontrabida ni Barbie sa naturang show.

Mabuti’t pumayag siyang paglipat niya sa GMA-7 ay kontrabida role agad ang ibinigay sa kanya?

Ayon kay Mika, “Actually, ang sabi naman kasi sa akin, first project ko daw is kontrabida muna.

“Pero may pinaplano na silang next [project] para sa akin.

“Kasi, ang hirap din na paglipat mo, ang laki agad ng pressure sa ‘yo, di ba?

“So, actually, iyon yung in-explain nila sa akin.”

Dagdag niya, “So, sa akin, kahit anong work naman, hindi naman ako maarte.

“Mas masaya actually ang kontrabida, para sa akin mas may dating po iyon.”

NO SUITORS ALLOWED. Hindi pa nagkaka-boyfriend si Mika. Ni wala raw nanliligaw sa kanya.

“Bawal pa po akong ligawan, e!” bulalas niya.

“Pag eighteen ko pa lang [puwede akong ligawan]… ngayong December siguro.”

Ang Ate Angelika raw niya ang nagbawal kay Mika na magpaligaw hangga’t hindi pa siya tumutuntong sa edad na 18.

Kaya biniro namin si Mika na ang ate niya ay wala pa yatang 18 noong unang magka-boyfrined.

“Ganun talaga!” at tumawa ang bagong Kapuso actress.

Sa December 9 ay ganap nang dalaga si Mika; kaya puwede na siyang ligawan.

“Puwede na daw, so baka dun pa lang ako magpapaligaw.”

Biglaan din daw ang preparasyon sa kanyang debut party.

Paliwanag ni Mika, “Kasi, di ba, busy, kasi kakalipat ko pa lang sa GMA.

“Actually, wala talaga akong plano na malaking party noong una, pero si Tito Perry ang nakaisip, so biglaan.

“Hindi naman sobrang laking party, simple lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN