Dingdong Dantes, Coco Martin react to Robin Padilla's passing of "action torch"

IMAGE Mark Atienza

Coco Martin and Dingdong Dantes express their admiration and thanks to Robin Padilla for passing the action torch to them. 


Nagbigay-pugay sina Dingdong Dantes at Coco Martin kay Robin Padilla pagkatapos ipasa nito sa kanilang dalawa ang paggawa ng action projects.

Sinabi ito ni Robin sa kanyang acceptance speech sa 64th FAMAS Awards, bilang recipient ng FPJ Memorial Awards ngayong taon.

Kapwa namamayagpag ngayon sa primetime sina Dingdong at Coco sa kani-kanilang primetime series na action ang tema.

Si Dingdong ang bida sa Alyas Robin Hood at si Coco naman ang lead star ng FPJ's Ang Probinsyano.

Read: Robin Padilla passes the 'action torch' to Dingdong Dantes and Coco Martin

Via social media, nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon sina Coco at Dingdong sa pahayag ni Robin.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Dingdong ng pasasalamat kay Robin.

Ipinost ni Dingdong ang screen grab ng artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol speech ni Robin.

Caption dito ng Kapuso Primetime King:” Maraming salamat sa pagkilala sa aming trabaho, @robinhoodpadilla.

“Ang inyong dedikasyon sa industriya, at lalu na sa ating bayan, ay magsisilbing inspirasyon sa aming henerasyon.”

Nag-post din si Coco sa Instagram ng maiksing pagkilala kay Robin.

Maiksing caption ng Kapamilya Primetime King kalaip ang speech ni Robin: “Saludo po ako sa inyo.”

Saludo po ako sa inyo!

A video posted by Coco Martin (@mr.cocomartin) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN